Saturday, April 10, 2021

Suspek na tulak ng droga, patay sa shootout sa Nueva Ecija

P170,000 halaga ng droga nasamsam


Napatay sa shootout sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang isang lalaking itinuturong tulak umano ng ilegal na droga.


Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Roberto Dela Cruz, na nakipagbarilan umano sa gitna ng isang anti-illegal drug operation sa Purok 7, Barangay Talipapa.


Ayon sa mga awtoridad, nakuha kay Dela Cruz ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P171,632.


Nakuha rin sa kanya ang isang caliber-.38 na revolver. 


Kamakailan lang may apat ng suspek, kasama ang isang SK chairman, ang nahuli sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Nueva Ecija. -- Ulat ni Gracie Rutao


https://news.abs-cbn.com/news/04/10/21/suspek-na-tulak-ng-droga-patay-sa-shootout-sa-nueva-ecija

No comments:

Post a Comment