Naka-admit ngayon sa ospital si Presidential Spokesperson Harry Roque para magpagaling sa coronavirus disease (COVID-19).
Unang inanunsiyo ni Roque na nagka-COVID-19 siya noong Marso 15 pero gumaling din siya rito.
Nagnegatibo naman siya sa coronavirus noong Marso 25, pero hindi malinaw kung kailan siya muling dinapuan ng sakit.
Hinimok ng kalihim ang publiko na maging mas maingat dahil sa mabilis ang pagkalat ngayon ng sakit.
“I am now admitted in a hospital for Covid treatment. This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra precaution,” aniya sa isang pahayag.
Unang sinabi ng mga source na na-admit si Roque sa Philippine General Hospital dahil sa COVID-19, sa loob ng Department of Pay Patient Service.
Gumamit noon ng non-invasive breathing support si Roque, at kinailangang ikabit sa Bilevel Positive Airway Pressure, isang uri ng ventilator.
Nangyari ang pag-oospital kay Roque sa harap ng pag-uulat na may mga napupuno nang mga ospital dahil sa pagdami ng COVID-19 patients.
https://news.abs-cbn.com/news/04/10/21/harry-roque-nasa-ospital-muli-dahil-sa-covid-19
No comments:
Post a Comment