Friday, April 9, 2021

Pagbaba ng antas ng hawahan sa COVID-19 dahil sa ECQ: OCTA Group

Sa unang 6 araw ng Abril, naitala ang 81,192 na mga bagong kaso ng COVID-19. 


Bagama't marami pa rin ito kung ikukumpara sa tala bago ang surge, patuloy namang bumababa ang reproduction number o bilang ng taong nahahawahan ng isang positibong pasyente, ayon sa OCTA Research Group. 


Anila, nakikita na ang improvement dahil sa pagsailalim sa NCR Plus bubble sa enhanced community quarantine (ECQ). 


"There is a significant improvement with the reproduction number, hindi natin makikita ito without an ECQ, 'yung bababa na lang siya to 1.24 in 2 weeks," ani Guido David, OCTA fellow. 


Pero dahil hindi pa rin lubusang nakikita ang malawakang pagbaba ng mga nagkakasakit ng COVID-19, tingin ng OCTA ay mas makatutulong kung unti-unti ang gagawing pagluluwag sa mga restriction. 


"We’re still averaging 5,000 cases at the NCR and puno ang mga hospitals... When we relax to GCQ, puwedeng strict na GCQ bubble, parang 'yung in-implement ng national government a few weeks ago," sabi ni David.


—Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News 


https://news.abs-cbn.com/news/04/09/21/pagbaba-antas-hawahan-covid-19-ecq-octa-group

No comments:

Post a Comment