MADRID, Surigao del Sur - Umarangkada na nitong Biyernes ang Pantry on Wheels sa nasabing bayan na nagaabot ng food packs sa mga nangangailangan.
Ayon sa gurong si Maurice Tajonera, inspirasyon ng kanilang grupong Team Function ang Maginhawa Community Pantry sa Quezon City kaya nakapagdesisyon din sila na gumawa nito sa kanilang bayan.
“Ang Team Function po ay inspired by Maginhawa Community Pantry in Metro Manila so naisip ko what if we will do this in our own place and good thing is napakaraming sumusuporta. In just two days, nakalikom po kami ng P11,200, 2 sacks of rice, 10 packs of juice and many others,” sabi ni Tajonera.
Imbes na ilatag lang sa isang lugar ang mga pagkaing pwedeng makuha nang libre, isa-isa nilang inihatid sa mga nadadaanan nilang traffic enforcers ang mga suplay. Pinuntahan din nila ang mga street sweeper at mga garbage collectors sa eco park.
Laman ng bawat pack ang bigas, canned goods, noodles, sugar, toothpaste, chocolate drink, juice, deodorant, suka, at toyo.
Bibisita din ang grupo sa karatig na mga bayan para mamigay ng mga pagkain sa mga labis na nangangailagan.
- Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan
https://news.abs-cbn.com/news/04/24/21/community-pantry-on-wheels-umarangkada-sa-surigao-del-sur
No comments:
Post a Comment