Monday, April 19, 2021

13 patay nang mahulog ang SUV sa kanal sa Kalinga

Patay ang 13 katao, kabilang ang 3 bata, nang mahulog sa irrigation canal ang kanilang sinasakyang SUV sa Tabuk City, Kalinga nitong Sabado ng gabi.


Papunta umano ang sasakyan sa Bulo Lake, ayon sa pulisya.


Sumaklolo ang taumbayan sa 15 pasahero ng SUV ngunit 2 lamang ang nailigtas.


Iniimbestigahan pa ng pulisya kung paano nahulog ang SUV at kung bakit 15 ang sakay nito.


--Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/video/news/04/19/21/13-patay-nang-mahulog-ang-suv-sa-kanal-sa-kalinga

No comments:

Post a Comment