MARAWI - Humingi ng tawad sa publiko ang hepe ng Lanao del Sur Regional Police matapos magalit ang mga Muslim sa pagpasok ng dalawang pulis sa isang mosque sa Marawi City noong Sabado.
Nakuhanan ng litrato ang dalawang pulis na suot ang kanilang mga sapatos sa loob ng mosque.
Binatikos nga mga Muslim na netizens ang mga pulis dahil sagrado umano ang mosque at bawal ipasok ang ano mang madumi na bagay. Gawi ng mga Muslim na maghugas bago pumasok sa mosque.
Kinumpirma ni Lanao del Sur Police Provincial director Col. Rex Derilo na Muslim rin ang dalawang pulis at pumasok ang mga ito para mag-monitor at inspeksyon sa mga mosque upang masigurong sumusunod pa rin sa health protocols ang mga nagsisimba ngayong Ramadan.
Ayon sa dalawang pulis, nakalimutan nilang hubarin ang kanilang mga sapatos dahil sa pagmamadaling makaalis dahil may iba pang mahalagang lakad.
Nagpahayag naman ang ilang netizens ng pagtanggap nila sa paghingi ng tawad ng mga pulis.--Ulat ni Roxanne Arevalo
No comments:
Post a Comment