Wednesday, November 29, 2017

MUST-READ: Bagong reality searches, mapapanood sa Kapuso network sa 2018

Dalawang original singing competition at bagong season ng artista search ang mapapanood sa Kapuso network sa taong 2018.

Isa na diyan ang Center Stage, isang singing contest kung saan dapat ma-impress ng contestants ang judges na magdadala sa kanila all the way to the center stage.

Dapat ring abangan ang The Clash to be hosted by Ms. Regine Velasquez-Alcasid. Ito naman ay isang cutthroat search kung saan ang undiscovered vocal talents ng bansa ay maglalaban para maging last man standing.

Muli na namang mag-dream, believe, survive ang artista hopefuls dahil sa 2018 na mangyayari ang seventh season ng first reality-based artista search, ang StarStruck. Abangan kung saan at kailan ang nationwide auditions para dito.

Tutok lang sa GMA Network, the home of original talent search shows, para mapanood ang mga programang ito.

No comments:

Post a Comment