Napabayaan sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kung kaya’t marami ang nagdurusa ngayon dahil sa malimit na aberya ng tren.
Ito ang tahasang sinabi ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III nang maurirat kahapon sa estado ng MRT-3.
Ayon sa dating pangulo, noong 2008 ay nakaiskedyul sa overhaul ang MRT subalit hindi ito ginawa kaya’t lumala ang problema ng mga tren.
“Natandaan ko mayroon dapat nangyaring overhaul diyan sa MRT. Alam mo ‘pag overhaul hindi tune up-tune up lang, major ‘yung pag-aayos. Ang tanda ko 2008 hindi ginawa ‘yun, parang malaki nang sabihin na minor overhaul pero masasabing halos walang ginawa. So ‘yung lifespan na dapat inabot ng MRT, na curtail nabawasan dahil hindi ginawa ‘yung overhaul at that time,” paliwanag ni Aquino sa isang ambush interview nang dumalaw sa puntod ng amang si dating Senador Ninoy Aquino dahil sa kaarawan nito.
Binanggit pa ng dating pangulo na hindi kakasya sa isang ‘sentence’ lang ang problemang dinatnan niya sa MRT nang maupo ito sa puwesto noong Hunyo 2010 dahil ginawang kumplikado ng dating administrasyon ang pamamahala sa tren.
Nang makipagnegosasyon umano ang Sumitomo para sa maintenance ng MRT, humirit sila ng malaking presyo at wala pang warranty dahil sa bugbog na ang tren.
“…Dumating ‘yung punto na sinabi ng Sumitomo na ‘alam n’yo sobra ang pagamit dito sa MRT, luma na ‘yung signaling system etc., so kung itutuloy namin ‘yung maintenance nito kailangan naming taasan ang presyo at pagkatapos namin tinaasan ang presyo dahil sobra-sobra ang paggamit n’yo ‘di na rin namin kayo bibigyan ng warranty’,” kuwento ng dating pangulo hinggil sa dinatnan niyang problema sa MRT.
Isinisisi ng mga kapanalig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dating kalihim ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang problema ngayon ng MRT.
Naghain pa ng plunder case sa Ombudsman ang Department of Transportation (DOTr) laban sa siyam na miyembro ng gabinete ni Aquino dahil sa umano’y maanomalyang kontrata sa Busan Universal Rail Inc. (BURI), ang sinipang maintenance contractor ng MRT-3.

No comments:
Post a Comment