Tuesday, November 15, 2016

SIMBANG GABI SONGS

MGA AWIT PARA sa PARTE ng MISA
(Mass Parts)
103 ALELUYA (Misa ng Bagong Milenyo)
(Music: Manoling V. Francisco, SJ & Jandi Arboleda)
(Arrangement: Franciso Z. Reyes)
Aleluya! Aleluya! Ikaw Panginoon,
Ang S’yang Daan, ang Buhay,
At ang Katotohanan, Aleluya!
ALELUYA, KAMI AY GAWIN MONG DAAN
Aleluya, aleluya Kami ay gawin Mong daan
ng iyong pag-ibig, kapayapaan at katarungan, aleluya.
104 AMA NAMIN (Misa ng Bagong Milenyo)
(Music: Manoliing V. Francisco, SJ )
(Arrangement: Paulo Tirol)
Ama namin, sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasa-amin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon
Nang aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pag-papatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sa ‘yo ang kaharian, kapangyarihan at
kapurihan. Ngayon at magpakailan man.
106 DOXOLOGY/GREAT AMEN
(Misa ng Bagong Milenyo)
(Music: Manoliing V. Francisco, SJ & Jandi Arboleda)
(Arrangement: Franciso Z. Reyes & Gino Torres)
Pari: Sa pamamagitan ni Kristo
kasama n’ya at sa kanya
Ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo D’yos Amang
Makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo. Magpasawalang hanggan.
Bayan: A-men, Amen, A- - -men
Amen, Amen, A- - -men.
107 I LOVE YOU WITH THE LOVE OF THE LORD
(James Gilbert)
Oh, I love you with the love of the Lord,
Yes, I love you with the love of the Lord;
I can see in you the glory of my king,
Yes, I love you with the love of the Lord
109 KORDERO ng DIYOS
(Misa ng Bagong Milenyo)
(music: M. V. Francisco, SJ; arrangement: M V Francisco, SJ, Norman Agatep
& Gino Torres)
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng manga kasalanan ng
mundo.
Maawa Ka sa amin. Kordero ng Diyos, ma-a- -wa Ka.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng manga kasalanan ng
mundo.
Maawa Ka sa amin. Kordero ng Diyos, ma-a- -wa Ka.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng manga kasalanan ng
mundo.
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
112 PAPURI SA DIYOS
(Eduardo P. Hontiveros, SJ)

Papuri sa Diyos (2x)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan

At sa lupa'y kapayapaan (2x)
Sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Sa 'Yong dakilang angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama

Papuri sa Diyos (2x)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka , maawa Ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama
Maawa ka, Maawa ka sa amin

Papuri sa Diyos (2x)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang Kataastaasan
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan
ng Diyos Ama, Amen (2x)

Papuri sa Diyos (2x)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan

No comments:

Post a Comment