Friday, February 18, 2022

Malls naghahanda na sakaling ilagay sa Alert Level 1 ang Metro Manila

Naghahanda na ang mga pamunuan ng mga negosyo sa inaasahang paglalagay ng ilang parte ng bansa sa Alert level 1. 


Ang pamunuan ng Ayala Malls, mas daragdagan pa umano ang mga marshal na magpapatupad ng health protocols at mga tauhan na magsasagawa ng disinfection. 


"Pinaghahandaan namin ito. Nakikipag-coordinate kami sa aming mga stores na paigtingin at pahigpitin 'yung mga polisiya… Patuloy ang pagpapatupad ng mga polisiyang ito para hindi na maulit 'yung surge natin," ani Makki Araneta, deputy general manager ng UP Town Center. 


Sa ilalim ng Alert Level 1, mawawala na ang mga restriction sa mga establisimyento at pagbiyahe, maging ang limitasyon sa edad at bilang ng mga tao sa isang lugar. 


Ito anila ang tinatawag na "new normal" na pamumuhay sa gitna ng banta ng virus. 


Magluluwag man, nagpaalala ang Department of Health na dapat sumunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng physical distancing. 


-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/news/02/18/22/malls-naghahanda-sakaling-mag-alert-level-1-sa-metro-manila

No comments:

Post a Comment