Idineklara na ng Department of Health na nalagpasan na ng bansa ang hamon ng omicron variant.
"Atin na pong nalampasan ang hamon buhat ng omicron," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ito ay kasunod ng tuloy-tuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Mula February 11 hanggang 17, mas mababa na sa 52 porsiyento ang average daily cases ng COVID-19 o nasa halos 2,876 na lang kumpara sa higit 6,034 noong Pebrero 4 hanggang Pebrero 10.
Lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Cordillera Administrative Region at Davao Region ay low-risk na.
Ayon sa MalacaƱang, patuloy na isinasapinal ang road map tungo sa new normal.
Aminado naman ang Department of Health (DOH) na patuloy pa ring makakaranas ng mga hamon, sa harap ng umiigting na posibilidad ng pag-downgrade ng alert level ng ilang lugar sa bansa.
"Ma-offset dapat nu'ng hindi puwedeng ipatupad doon sa mga ibang safety protocols na puwedeng ipatupad katulad ng hindi puwedeng mag-physical distance, so dapat mataas ang bakunahan, dapat lahat naka-mask, dapat lahat naghuhugas ng kamay at dapat maayos ang surveillance system para nakakatutok kung sino ang may sakit at dapat iihiwalay sa komunidad," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Mananatili ang Metro Manila sa Alert Level 2 hanggang katapusan ng buwan.
-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
https://news.abs-cbn.com/news/02/18/22/doh-nalagpasan-na-ng-bansa-ang-hamon-ng-omicron
No comments:
Post a Comment