Mahigit 12 oras naka-duty si Dr. Jennifer de Guzman simula nang magpandemya at alam niya ang peligrong dulot ng kanyang propesyon.
May allowances naman na inilaan para sa mga health care workers tulad ng special risk allowance, active duty pay, meals at transportation allowance.
Pero nitong Huwebes, ni-release na ng Department of Budget and Management ang mahigit P7.92 billion na budget para sa One COVID-19 Allowance (OCA) na ipapalit sa mga nauna nang allowance.
Ayon sa grupong Alliance of Health Workers (ACW), lugi sila dito dahil sa 1.7 million na health care workers, 29 percent lang ang makikinabang dahil hindi lahat ay makakatanggap ng allowance.
"Maraming dismayadong health care workers. Merong risk classification when in fact ang virus naman matagal nang aerosol siya, airborne siya na dapat pantay-pantay ang pagbigay ng risk allowance na 'yan, wala dapat classification," sabi ni AHW president Robert Mendoza.
Dagdag pa niya, tila tinitipid na naman ng pamahalaan ang mga health care workers.
Pero ayon kay DOH spokesperson Maria Rosario Vergiere, wala naman daw nabawas sa mga matatanggap ng health care workers. Mas pinadali lang umano ang proseso.
"Kapag tiningnan natin, wala tayong tinanggal na allowance, wala rin po tayong binago sa mga allowances, ginawa lang nating mas mabilis ang proseso, not just for the government, but also for the benefit of our health care workers," aniya.
—Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
https://news.abs-cbn.com/news/02/18/22/health-workers-lugi-sa-one-covid-19-allowance-grupo
No comments:
Post a Comment