TINGLAYAN - Umabot sa P11 milyong halaga ng pananim na marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa 2 araw nilang operasyon sa bayan na ito sa Kalinga, ayon sa pulisya.
Ayon sa Kalinga Police Provincial Office, Miyerkoles nang kanilang matunton kasama ng mga operatiba ng Regional Intelligence Unit ng Cordillera Police, Philippine Drug Enforcement Agency Kalinga, Criminal Investigation and Detection Group Kalinga at Naval Forces Northern Luzon ang 3 taniman ng marijuana sa Barangay Loccong.
Natapos ang operasyon nila nitong Huwebes kung saan binunot at sinunog ang mga pananim na marijuana.
Sa unang taniman na mayroong 1,000 square meters ang lawak, tumambad ang nasa 10,000 fully-grown marijuana plants na tinatayang nagkakahalaga ng P2 milyon, ayon sa pahayag ng pulisya.
Umaabot sa humigit-kumulang 30,000 fully-grown marijuana plants naman ang nakita naman sa ikalawang taniman na mayroong 3,000 square meters ang lawak. Nagkakahalaga umano ng P6 milyon ang marijuana plants dito.
Habang nasa P3 milyon ang halaga ng humigit-kumulang 15,000 fully-grown marijuana plants ang nadiskubre sa ikatlong taniman na may tinatayang land area na 1,500 square meters ang lawak.
Ayon sa pulisya, simula Enero ngayong taon, uamabot na sa 13 marijuana eradication operations ang naikasa ng mga awtoridad sa Kalinga.
- Ulat ni Harris Julio
https://news.abs-cbn.com/news/05/06/21/nasa-11-milyon-halaga-marijuana-sinira-kalinga
No comments:
Post a Comment