Thursday, May 6, 2021

Bilang ng quarantine days ng mga balikbayan, posibleng dagdagan: OWWA

 Posibleng madadagdagan ng isa o dalawang araw ang itatagal ng mga returning OFWs at iba pang balikbayan sa mga quarantine facility, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Iyan ay kung maaaprubahan ng IATF ang isinusulong ng Department of Health (DOH) na bagong quarantine protocols sa mga uuwing biyahero.


Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, mula sa ikaanim na araw, sa ikapitong araw na isasalang sa RT-PCR test ang mga umuwing biyahero at kapag nagnegatibo ang resulta, kailangan pa ring manatili sa quarantine facility ng isa o hanggang dalawang araw at makalalabas lang sa ika-10 araw.


"Sa ngayon, 8 to 9 days ang ilalagi sa mga hotel quarantine pero ang proposal ng DOH, sa ika-10 araw ang releasing so mga 1 to 2 days ang maximum na itatagal ang extension. It applies to everybody, which includes OFWs and non-OFWs," ani Cacdac.


Sinabi rin ni Cacdac na may napag-usapan nang dagdag-pondo ang DOLE at DBM para sa mga returning OFW.


Nakakasa na anya ang initial tranche pero hindi lang alam ni Cacdac kung magkano ito.

    

Ayon kay Cacdac, sasapat na ito para tumagal ang pondo hanggang katapusan ng taon.

    

Pero kapag naaprubahan anya ang panukala ng DOH sa extension ng mga balikbayan sa quarantine facility, posible pa anya silang humingi para sa dagdag-gastos dito.


https://news.abs-cbn.com/news/05/06/21/bilang-ng-quarantine-days-ng-mga-balikbayan-posibleng-dagdagan-owwa

No comments:

Post a Comment