Thursday, March 25, 2021

Magsasaka patay matapos pagbabarilin sa Capiz

Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Astorga, sa bayan ng Dumarao, Capiz, Miyerkoles ng gabi.


Dead on arrival sa pagamutan ang biktima na si Jessie Jarlo, 55 anyos at residente ng lugar.


Sa imbestigasyon ng Dumarao Police, pauwi na ang biktima kasama ang misis nito nang harangin at pagbabarilin ang biktima ng tatlong salarin na nakasuot ng itim na damit at naka-bonnet.


Nagtamo ng 9 na tama ng bala ang biktima.


Nakuha sa lugar ang mga basyo ng bala ng hinihinalang kalibre .45 na baril.


Patuloy pa ang pagtukoy ng awtoridad sa mga salarin at ang motibo sa krimen.


- Ulat ni Rolen Escaniel


https://news.abs-cbn.com/news/03/25/21/magsasaka-patay-matapos-pagbabarilin-sa-capiz

No comments:

Post a Comment