Thursday, March 11, 2021

LPG refilling station sa Davao de Oro, nasunog; 5 sugatan

COMPOSTELA, Davao de Oro (UPDATE)- Lima ang sugatan sa sunog sa Barangay Poblacion sa bayan ng Compostela, Davao de Oro Miyerkoles ng gabi.


Nagsimula umano ang apoy sa isang LPG refilling station at tumupok ng pito pang tindahan at isang tricycle, ayon kay Municipal Information Officer Julius Conejos.


Biglang lumaki ang apoy dahil sa pagsabog ng ilang mga tangke ng LPG.


Aniya, na-trap ang isang lalaki mula sa isa sa mga stall at nailabas at nadala sa ospital.


Patuloy ang imbestigasyon kaugnay sa sanhi ng sunog.


Nagpatupad naman ng unscheduled power interruption sa lugar ang Northern Davao Electric Cooperative Inc. matapos ang nangyaring sunog.


- ulat ni Hernel Tocmo


https://news.abs-cbn.com/news/03/11/21/lpg-refilling-station-sa-davao-de-oro-nasunog-1-patay-4-sugatan

No comments:

Post a Comment