Magbabalik na umano sa himpapawid ang TV network giant na ABS-CBN sa ilalim ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco.
Ito ang kinumpirma ni House Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza kasunod na rin ng pagpapalit ng liderato sa Kamara.
Kumpiyansa si Atienza na pagbibigyan muli ni Velasco na makabalik sa plenaryo ang usapin hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN.
I am really confident, justice will prevail by next year. They were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice. Ako, I am just giving the new Speaker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, kauupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibalik natin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad ang pumataysa ABS-CBN, firing squad eh”, paliwanag ni Atienza kung saan ang firing squad ay ang patukoy sa ginawang pagbasura agad sa komite level ng franchise renewal application ng giant network at hindi na ito na isa lang sa House Plenary.
Magugunitang sa botong 70 pabor, 11 tutol at isang abstain, matagumpay na naibasura ng house committe on legislative franchises ang aplikasyon ng ABS-CBN para mapalawig ang kanilang prangkisa.
Pero ayon kay House Minority Leader at Abang Lingkod Partylist Joseph Stephen Paduano, maaari na muling maghain ng aplikasyon ang ABS – CBN pagpasok ng 2021 alinsunod na rin sa rules ng Kamara.
(UPDATE) Sa isang pulong tungkol sa pagbabalik sa himpapawid ang TV network giant na ABS-CBN, ilan dito:
- Sa "sign-on" at "sign-off" sequences, ang 2013 na bersyon ng Lupang Hinirang na ipinalabas bago mawalan sa ere ang network noong Mayo 5, ipinalit ang digitally remastered and restored version ng 1998 Centennial Version ng National Anthem, kasunod
https://www.dwiz882am.com/index.php/abs-cbn-posibleng-magbalik-himpapawid-na-atienza/
No comments:
Post a Comment