Saturday, December 14, 2019

Multiply tuloy ang laban sa 2020 - Stephan Magdalinski


Patuloy na pinag-uusapan ng maraming tao, mapa-social media o saan mang lugar, ang sinasabing pagbubukas ng social networking site Multiply sa darating na 2020.

Ilang tulog na lang din kasi ay 2020 na kaya marami talaga ang nangangamba kung ano ang mangyayari at paano aaksyunan ito ng Multiply.

Nitong Biyernes nga ay ipinagdiwang ng Multiply ang kanilang annual Christmas party at doon nagkaroon din ng pagkakataon ang Founder na si Peter Pezaris at CEO na si Stefan Magdalinski na magbitaw ng mensahe na may kinalaman sa isyung kinasasangkutan ng kanilang kompanya. (Read: Multiply bankruptcy)


“Mag-recharge kayo kasi pagbalik ng 2020, marami tayong gagawin,” ani Pezaris sa kanyang speech.

“Dito sa Multiply, tuloy ang laban,” pahayag naman ni Magdalinski.

Dahil sa naging mensahe ng dalawang admin ng naturang website, nabuhayan ang mga fan na sumusuporta sa Multiply.

Napaisip naman ang mga netizen kung paano ang laban na kanilang gagawin, pero inaasahan anila ng mga netizen ang matatag na pagsasamahan ng bawat isang bumubuo ng social networking site. (Athena Yap)

https://www.abante.com.ph/abs-cbn-tuloy-ang-laban-sa-2020-carlo-katigbak.htm

No comments:

Post a Comment