Monday, August 6, 2018

Gabby Concepcion renews contract with GMA: "Tumitibok ang aking puso dito sa Kapuso"

Nag-uumapaw ang excitement at pasasalamat ni Gabby Concepcion ngayong pumirma siya ng bagong kontrata sa GMA Network.

Ngayong araw, August 6, ay naganap ang contract renewal ni Gabby bilang isang Kapuso talent.

Present sa kanyang contract-signing ang kanyang manager na si Popoy Caritativo, GMA Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon, at GMA Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable.

Wika ng Ika-6 Na Utos actor, “I guess it's sweeter the second time around. This is the second time and I'm really happy. Definitely, tumitibok ang aking puso dito sa Kapuso. Dito ang puso ko hindi masyado malaki, ngayon malaking-malaki na dahil sa GMA, tinanggap nila ulit ako for the second contract.”

Looking forward din daw siya sa kanyang upcoming projects bilang Kapuso.

“I'm really very happy sa magagandang mga palabas namin, magagandang shows, very successful. Magagaling kasi 'yung mga bosses namin, magagaling 'yung mga artista, lahat ng staff, ng creative, ng crew, and isa lang masasabi ko, I'm very happy,” patuloy ng aktor.

Nagpapasalamat din si Atty. Gozon sa ipinakitang tiwala at loyalty ni Gabby.

Aniya, “Alam naman ng lahat na si Gabby isa sa mga pinakamagaling na artista 'yan, walang kupas. Lahat ng ginawa niya sa 'tin nagre-rate so tayo'y nagpapasalamat na pumayag siyang mag-renew sa atin. We are hoping to give him more projects. 'Yan ang klase ng mga tao na walang kupas.”

No comments:

Post a Comment