Natapos na ang inter-agency meeting para sa State of the Nation Address (SONA) 2018.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa MalacaƱang, Philippine National Police (PNP), Senado, at Kamara.
Ayon kay House Secretary Atty. Cesar Pareja, pinaghahandaan nila ang worst scenario pero umaasa sila na magiging maayos ang lahat.
Aawitin ng Tagum city choir ang "Lupang Hinirang" base na rin sa rekomendasyon ni House speaker Pantaleon Alvarez.
Nagsimula na ring magpamigay ng imbitasyon, kabilang ang kay Vice President Leni Robredo.
Inihahanda na rin ang holding room ni Robredo sakaling dumalo siya.
Nasa 3,000 ang inaasahang bisita sa SONA kung saan pinakikiusapan sila na magsuot ng simpleng damit.
Tatlumpung minuto bago ang SONA ay isasara na ang plenaryo ng Kamara.
Apat na caterer ang naimbitahan para sa food tasting.
Pinaghahandaan na rin ng House security ang gagawin sakaling lumabas ulit ng Batasan Pambansa ang pangulo matapos ang kaniyang SONA para makipag-usap sa mga demonstrador.
Nag-ocular inspection na rin sa Kamara nitong Huwebes ang director ng SONA na si Joyce Bernal.
Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging makabayan o patriotic ang SONA ngayong taon. -- Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

No comments:
Post a Comment