“LIFE begins @40!” Iyan ang feeling ng lahat ng Dabarkads at ng mga taong bumubuo sa longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga! Yes, 40 years na nga ang award-winning at laging trending na variety show ng GMA.
Nagsimula na nga ang year-long preparation para sa bonggang 40th anniversary ng EB. Ngayong Hulyo muling magbabalik-tanaw ang mga Dabarkads sa 39 taon pagbibigay-saya at pag-asa sa milyun-milyong Pilipino saan man sa mundo.
Ayon kay Jeny Ferre, SVP for Creatives and Operations ng EB, magiging simple, nostalgic at heartwarming ang kanilang selebrasyon para sa nalalapit nilang 40th anniversary.
“Gabay namin sa journey na ito ang makulay at historic na kwento ng Eat Bulaga! Nais naming magbalik-tanaw ngunit kami din ay excited sa mga mangyayari sa mga susunod na araw. Lagi nating sinasabi na ‘life begins at 40,’ ganoon din ang pakiramdam namin. Kami ay excited na i-present ang ‘forty-fied’ version ng EB,” pahayag ni Jeny.
Unang umere sa telebisyon ang Eat Bulaga! noong Hulyo 23, 1979 na pinangunahan nina Joey de Leon, Tito at Vic Sotto. Personal na pinili ang tatlo ni Television and Production Exponents, Incorporated (TAPE) boss Antonio Tuviera para ipangtapat sa noon ay number one show na Student Canteen.
Sa loob ng apat na dekada, tinupad ng TVJ at ng kanilang mga co-hosts kabilang na ang JoWaPao (Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros) ang pangakong pagbibigay ng “isang libo’t isang tuwa” sa mga manonood sa pamamagitan ng mahigit 300 segments na umera sa loob ng 40 taon. Kabilang na ang mga well-loved segments na “Pinoy Henyo,” “Super Sireyna,” “Bulagaan” at “Juan for All, All for Juan”.
Ayon pa kay Jeny na mahigit 20 taon nang bahagi ng programa, walang pattern or secret formula ang EB. Para sa kanya, ang success ay nagmumula sa pagmamahal sa trabaho at ang patuloy na pag-evolve ng grupo.
Dagdag pa niya nagiging madali ang trabaho sa EB dahil para na silang isang pamilya, “Maliit lang ang grupo namin pero nandoon ang respeto sa isa’t isa. Nakikita namin ang Eat Bulaga bilang extension ng mga bahay namin. Katulad ng isang pamilya, dumadaan din sa mga pagsubok pero isa kaming lalaban, ‘yan ang kultura namin dito.”
“We don’t rest on our laurels. Advantage namin ang experience at ang mga challenges na nalampasan na namin sa loob ng maraming taon. Pero kailangan pa rin naming maging attuned sa panahon, maka-keep up sa pagbabago, mas maging flexible. Kailangan namin mag-innovate para maipagpatuloy ang pagiging trendsetter,” saad ni Jeny.
Maliban sa pagiging leader sa nasabing format at timeslot, unti-unti na ring pinasok ng Eat Bulaga ang mundo ng internet. Sa ngayon ay maa-access na ng netizens ang mga episode sa EB official YouTube channel at mapapanood na rin ng mga overseas viewers ang programa via live streaming.
Nagsimula na rin silang mag-produce ng content na exclusive para sa kanilang online platforms. Isa na nga rito ang “Eat Bulaga! Behind The Scenes” kung saan gaganap na parte ng production team ang isa sa mga host ng programa.
“Unti-unti na naming ini-extend ang Eat Bulaga! sa interwebs. Pareho pa rin ng kasayahan at entertainment ngunit hindi na lamang ito hanggang 2:30 ng hapon. Ang aming vision ay maging 24/7 ang Eat Bulaga! online. Maaari mong i-check ang videos at manood ng episodes saan man or kailanman mo naisin,” sey pa ng EB executive.
Para naman sa kanilang nalalapit na 40th anniversary, siguradong four times ang fun, laughter at entertainment para sa loyal Dabarkads. Ipagpapatuloy din nila ang pagbibigay serbisyo sa bawat Pilipino.
“Para sa akin, parang nagsisimula ulit kami dahil may bago na namang challenges. Nandoon pa rin yung attitude ng lahat nang magsimula ang Eat Bulaga! 39 years ago.
“Lahat ng kaalaman at experience namin sa apat na dekada ay pagsasama-samahin namin upang makagawa ng mas malaki at mas magandang programa,” paniniguro pa ni Jeny.
Patuloy na subaybayan ang year-long celebration ng Eat Bulaga, kabilang na riyan ang directorial debut ni Jose Manalo sa horror telemovie na “Pamana,” ngayong Hulyo 28, Sabado, alas-11:30 ng umaga sa GMA 7.
Read more: http://bandera.inquirer.net/191316/life-begins-40-para-sa-lahat-ng-dabarkads-ang-vision-namin-ay-maging-24-7-na-ang-eat-bulaga#ixzz5MGEl4M8w
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

No comments:
Post a Comment