Monday, June 12, 2017

Rated K: Memorized mo ba ang Lupang Hinirang, Ako'y Pilipino at Panatang Makabayan?

memorize mo ba ang mga ito?

I yield my space to one of my favorite gadfly Ambassador Rodolfo Arizala, who comments from his perch in Santiago, Chile, on the Philippine House of Representatives Bill No. 5224 updating the rules to standardize the proper rendition of: our national anthem “Lupang Hinirang.” This musical arrangement and composition of Julian Felipe. It should be in 2/4 beat when played, and within the range of 100 to 120 metronome, in 4/4 beat when sung and “Bayan Ko,” a kundiman considered our unofficial second national anthem and sung by our OFWs abroad. (Assumed to be folk music because of its popularity, its lyrics were used as a protest song by various political groups at various points in Philippine history.)


Ito isa-ulo mo na:


Lupang Hinirang


Bayang magiliw,

Perlas ng Silanganan
Alab ng puso,
Sa Dibdib mo'y buhay.

Lupang Hinirang,

Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
'Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,

Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y

Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma'y 'di magdidilim.

Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta,

Buhay ay langit sa piling mo,
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa 'yo.

Bayan Ko


Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika

Makita kang sakdal laya

Panatang Makabayan

Original version

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti ay diringgin ko
Ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng
Isang mamamayang makabayan
At masunurin sa batas.
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang
Walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino,
Sa isip, sa salita, at sa gawa.

Current version

Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungan
maging malakas, masipag, at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas

isaulo din, flag retreat song


Pilipinas Kong Mahal (My Beloved Philippines)


Ang bayan ko'y tanging ikaw

Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin ko'y gagampanan
Na laging kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong hirang

Lupang Hinirang, oo. pero yung Panatang Makabayan, hindi na.


How about the Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, Panunumpa ng Lingkod Bayan and Panunumpa sa Kawani ng Gobyerno?


Old Version


Ako'y nanunumpa sa watatwat ng Pilipinas

At sa Republikang kanyang kinakatawan.
Isang bansang pinapatnubayan ng Diyos,
Buo at di mahahati,
Na may katarungan at kalayaan para sa lahat

New Version


Ako ay Pilipino, buong katapatang nanunumpa

Sa watawat ng Pilipinas at sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang Maka-Diyos, Makatao,
Makakalikasan at Makabansa.

PANUNUMPA NG LINGKOD BAYAN


Ako’y isang lingkod bayan.

Katungkulan ko ang maglingkod ng buong katapatan at kahusayan / 
At makatulong sa katatagan at kaunlaran / ng aking bayan. / 
Magiging bahagi ako / ng kaayusan at kapayapaan sa pamahalaan / 
At magiging halimbawa ako / ng isang mamamayang masunurin / 
At nagpapatupad ng mga umiiral na batas at alituntunin
Nang pantay-pantay at walang kinikilingan.

Magsisikap akong patuloy na maragdagan / 

ang aking kabatiran at kaalaman. / 
Ang bawat sandali ay ituturing kong gintong butil / 
na gagawing kapaki-pakinabang. / 
Lagi kong isasaalng-alang / ang interes ng nkararami / 
bago ang pansarili kong kapakanan. /

Isusulong ko ang mga programang mag-aangat /

sa antas ng kabuhayan ng mga mahihirap / at aktibo akong makikibahagi / 
para sa mga dakilang layunin sa lipunan. / Hindi ako magiging bahagi /
at isiswalat ko ang anumang katiwalian / na makaaabot sa aking kaalaman. /
Sa lahat ng panahon, / aking pagsisikapang makatugin / sa hamon sa lingkod bayan. / 
Ang lahat ng ito / para sa ating Dakilang Lumikha / sa ating bayan. / 
Kasihan nawa ng Panginoon.

PANUNUMPA NG KAWANI NG GOBYERNO


Ako'y kawani ng gobyerno, / tungkulin ko ang maglingkod / 

nang tapat at mahusay./
Dahil dito, / ako'y papasok nang maaga / 
at magtatrabaho ng lampas sa takdang oras / kung kinakailangan.

Magsisilbi ako nang magalang at mabilis / sa lahat ng nangangailangan./

Pangangalagaan ko ang mga gamit, / kasangkapan / 
at iba pang pag-aari ng pamahalaan./

Pantay at makatarungan / ang pakikitungo ko sa mga lumalapit / 

sa aming tanggapan./
Magsasalita ako / laban sa katiwalian at pagsasamantala./
Hindi ko gagamitin / ang aking panunungkulan / sa sarili kong kapakanan./

Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol, / sisikapin kong madagdagan / 

ang aking talino at kakayahan / upang ang antas ng paglilingkod sa bayan / 
ay patuloy na maitaas./

Sapagkat ako'y isang kawani ng gobyerno / at tungkulin ko ang maglingkod / 

nang tapat at mahusay, / sa bayan ko at sa panahong ito, / 
ako at ang aking mga kapwa kawani / ay kailangan tungo sa isang maunlad, / 
masagana / at mapayapang Pilipinas./

Sa harap ninyong lahat / ako'y taos pusong nanunumpa. 

I used to memorize the Preamble too..

We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.

No comments:

Post a Comment