Sunday, October 1, 2017

KC natameme sa mga hinaing ni Sharon!

Invited pala sa Star Magic Ball ang mga da­ting talent ng Star Magic dahil ipinagdiriwang ngayong 2017 ang 25th anniversary ng talent management agency ng ABS-CBN.

Ang 25th anniversary celebration ang dahilan kaya invited sina Claudine Barretto, Heart Evangelista-Escudero at ang ibang mga former talent ng Star Magic na nag-ober da bakod sa ibang television network, naghanap ng ibang mga mamahala sa career nila, o hindi na active sa showbiz.

Never na naging contract star ng Star Magic si Sharon Cuneta na super emote dahil hindi invited sa Star Magic Ball at hindi rin natuwa nang makatanggap siya ng last-minute invite.

Habang open sa paglalabas ng saloobin ang nanay niya, tahimik lang si KC Concepcion na ex-talent ng Star Magic at naimbitahan sa mga nakaraang Star Magic Ball.

Ayaw pakabog sa ex, Rocco handa na rin sa hubaran

Excited na si Rocco Nacino na rumampa sa underwear show ng Bench sa November 18.

Pinaghahandaang mabuti ni Rocco ang kanyang paghuhubad kaya super diet at super exercise ang inaatupag niya.

May isang buwan at kalahati pa ang preparasyon ni Rocco na ready nang maging daring sa mga sexy pictorial, gaya ng kanyang ex-dyowa na si Lovi Poe na celebrity endorser din ng Bench.

Nalaman ng madlang-bayan ang pagrampa ni Rocco sa underwear show ng Bench dahil ito ang ibi-nalita niya sa mga reporter na dumalaw noon sa taping ng Haplos, ang afternoon drama series ng GMA 7 na pinagbibidahan nila ni Sanya Lopez.

Louise ginawang sinungaling ni Aljur

Wondering ang fans sa reaksyon at sa-sabihin ni Louise delos Reyes sa pag-amin ni Aljur Abrenica na naging magdyowa sila noon.

Super deny pa naman si Louise sa mga reporter na nakausap niya sa kanyang contract signing noon sa Viva Artists Agency.

Tapos biglang umamin si Aljur dahil magkasama sila sa isang show ng ABS-CBN.

Dahil sa admission ni Aljur, nalagay sa alanganin ang credibility ni Louise. In all fairness sa mga reporter na nakausap niya, hindi nila pinaniwalaan ang denial ni Louise dahil ang staff ng ABS-CBN ang nagkuwento na na-sight nila ang dalawa na nag-check in sa isang hotel sa Subic. Hindi naman magsisinungaling ang staff na nagkataon na nasa Subic din noon. Ang Subic ang location ng taping ng Kambal Sirena, ang telefantasya ng GMA 7 na pinagtambalan nina Louise at Aljur noong 2014.

Ang tsismis na may secret relationship sina Aljur at Louise ang dahilan ng break-up nito kay Enzo Pineda.

Ngayon, magkakasama na ang tatlo sa ABS-CBN pero past is past. Knowing Enzo na isang mabait at marespeto na bata, naka-move on na siya sa heartaches na naranasan niya sa pakikipagrelasyon kay Louise.

May iba nang girlfriend si Enzo na walang kinalaman sa showbiz at going strong ang kanilang love affair. Boyfriend pa rin ni Louise si Champ Lui Pio samantalang live in partners at may isa nang anak sina Aljur at Kylie Padilla.

No comments:

Post a Comment