Saturday, September 24, 2016

PURIHIN ANG PANGINOON, UMAWIT NG KAGALAKAN

KORO:
purihin ang Panginoon,
umawit ng kagalakan
at tugtugin ang guitara
at ang kaaya-ayang lira
hipan ninyo ang trumpeta.

sa ating pagkabagabag
sa Diyos tayo ay tumawag
sa ating mga kaaway
tayo ay kanyang iniligtas! (Koro)

mga pasaning mabigat,
sa ating mga balikat;
pinagaan ng lubusan,
ng Diyos na tagapagligtas. (Koro)

kaya’t Panginoon ay dinggin,
ang landas niya ay tahakin
habambuhay ay purihin,
kagandahang loob niya sa atin. (Koro)

Coda:
Hipan ninyo ang trumpeta

No comments:

Post a Comment