Friday, September 2, 2016

PAGKAINGAY-INGAY

Masasabi kong enjoy ang panahon ng aking kabataan. Makulay dahil naging busy sa pag-aaral at pagiging choir member ng simbahan. Mas nahilig sa musika. Nagka-bonus pa na matuto sa ilang instrumento gaya ng banduria na super lalabs ko at tsaka yung lyre. Ewan! Kahit nakakapagod e ang charap-charap sumama sa prusisyon dahil isa ka sa nagko-contribute ng noise sa community para ipaalam na, “Uy! Eyow!!! Naririto na’ng Poon! Tunghay na po!!!”

Tapos, pagdating ng linggo e makikiingay na naman dahil ano’t ano man ang boses mo’y magpapasunod ka sa marami na, “Uy! Kantahan na natin si Lord! Kanta na po!!!”

Gosh!

Ganun—pala—ako—kaingay!!! … noon. Hilig ko na ngang makipagkuwentuhan sa mga kaibigan e hilig ko pang sumawsaw sa mga gawaing maiingay para mag-anyaya ng mga tao to get closer kay Lord.

Kaso, before ako grumaduate ng grade 6 e nagkaro’n ng malaking pagbabago dahil pinahinto na kami ni father sa choir. Kasi wala na raw kaming pahinga. Halos di na yata kami magpang-abot sa bahay. Medyo ouch yun pero super concern lang siya sa health namin. Tutal may ibang paraan pa raw to serve God kaya—sige na!
Pero inaamin, na yun na ang naging simula ng pananamlay ko sa simbahan… at marahil kay Lord.
Pero labas dun si father, ha! Ang desisyon niya ay nagmistulang hamon para mapagtanto kung hanggang dun na nga lang ba ang makakaya ko para sa Kanya. Sa pagka-choir o paglilingkod sa simbahan lang ba masusukat ang effort para masabing, “O God, close na tayo, ha!”
Gosh!
Focus, focus, focus—sa school. Wala na. Dun na lang umikot ang mundo ko.
Kaya siguro sobrang natorete bigla nang makarinig ng tila pamilyar na mga ingay.

“Celebrate, Jesus, celebrate!”

Golly!

Ano na naman yun?

Di pa Sunday, ah!

“Celebrate, Jesus, celebrate!”

Golly talaga!

But tsorii, kedali naman ‘atang dumedma!

“Celebrate, Jesus, celebrate!”

My gosh!
Ang iingay niyo!!!

“Celebrate, Jesus, celebrate!”

Hay naku!

Nakaka—?!#?!#?!#

Hayayay!

Hallelujah!

‘Kala mo biglang niliyaban ang kaluluwa sa sobrang irita!

My yayay!
I can’t imagine kung ano’ng reaksiyon ni Lord sa nakikita Niyang reaksiyon ko sa mga sandaling yun. I truly understand kung sob—rang napapailing ko Siya.

Hay…

Ang ingay na yun ay nasundan pa noong sumunod na linggo—tapos nung sumunod ulit na linggo—tapos naging automatic every Friday, e may magaganap na raw na gawain sa lumang building na super lapit sa bahay namin. Dati yung building e pang negosyo nung may-ari nito. Until napahinto ang negosyo at natengga si building. Tapos all of a sudden e nabuhayang muli dahil umano sa gawain na yun. At—ang pinaka-kalorkey pa dun e nung—pati na si mother ko e naki-join sa maiingay na yun!

Aguy!!!

“Hallelujah! Jesus is alive!”

Pumapalakpak pa sila?!

“Death has lost its victory and the grave has been denied.”

My gosh!

Isasama ko ba si mama sa mga kinaaasaran ko na?! Naku!!!

“Jesus lives forever, He’s alive! He’s alive!!!”

Pigil. Pigil. Pigil.

Andun si madir, andun si madir—ba’t kasi andun si madir?!

Iwwiwiwww!!!

“Hallelujah! Jesus is alive!!!”

Boom!

Umabot din dun—na yung pinakaayaw mo, yung pinakakinainiririta mo e—siyang ipapa-sa yo…

Aguy! Na katotohanan.

Ano pa nga bang magagawa ko kundi lunukin ang sarili nang masundan din ng masundan ang pag-aattend ni madir. At ang sobrang grabe sa lahat e yung mahikayat pa kaming mag-audition kung papasang choir member ng gawain na yun.

Hay…

“Ikaw ang kublihan ko, na hindi magbabago…”

Nasa hagdan pa lang paakyat kasama ni ate e naririnig na namin ‘to. At hindi namin alam ang kantang ‘to.

“Sa mga pagluha ko, naro’n balikat Mo.”

At kailangan pa talagang naka-mayk?!

Gosh!

“Ikaw ang kublihan ko kung may alon at bagyo. Kung sa’n ka naro’n Hesus, payapa ang unos.”

Buti may iba pang mag-o-audition. Sila muna habang pinag-aaralan namin ni ate ang kanta.

“Aleluya, aleluya, aleluya. Kublihan ko’y ikaw.”

Bonggang—o, gosh!

Ah-ahm-ayayay… ah-koh-nah-poh… yung sasalang?!

Shocks!

Panginig ng buto, ah!

Seryoso!

“Ikaw ang kublihan ko…”

Ninenerbiyos…

Nangangatog…

Para pa ngang nangingiyak…

“Na hindi magbabago…”

Nakaka-relate…

May naaalala…

“Sa mga pagluha ko, naro’n balikat mo.”

Di ba nung una, ayaw ko—ayaw ko talaga.

Simula’t sapul ngang marinig kong gawai’y nainis talaga ko—sobra.

“Ikaw ang kublihan ko kung may alon at bagyo. Kung sa’n ka naro’n Hesus, payapa ang unos.”

Shocks! Parang sayang na kung di ko ‘to mapapasa… kaso lito pa talaga sa tono niya…

“Wala sa ganda ng boses ang basehan. Kundi nasa pakiramdam—kung tagos sa puso ang pagkanta,” wika ni Sister Tess, pinuno ng gawain.

Ayun!

Dahil tila naramdaman niya rin ako kaya—ayuyun!

Nakapasa ang bruha!

Kalorkey!

Yeyey!!!

Su—lit ang kabang bonggang-bongga!!!

Wooh!!!!!!!!!!

Hal-le-lu-jah…

Ang ingay—na sobrang ikinairita ko—e siya pa lang ingay na tumatawag sa akin papalapit—kay Yahweh El Shaddai.

Galing!

TAGALOG RELIGIOUS SONGS

“SI KRISTO AY GUNITAIN”

Si Kristo ay gunitain
Sarili ay inihain
Bilang pagkai’t inumin
Pinagsasaluhan natin
Hanggang sa S’ya’y dumating
Hanggang sa S’ya’y dumating

“Si Kristo ay Namatay”
(Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ)

Si Kristo ay namatay, si Kristo ay nabuhay
si Kristo ay babalik sa wakas ng panahon
Si Kristo ay namatay, si Kristo ay nabuhay
si Kristo ay babalik sa wakas
sa wakas, sa wakas ng panahon.

“Humayo’t ihayag”

Humayo’t ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang S’yang sa mundo’y tumubos

Langit at lupa Siya’y papurihan
Araw at tala Siya’y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

Halina’t sumayaw (buong bayan)
Lukso, sabay, sigaw (sanlibutan)
Ang ngalan Niyang angkin ‘sing ningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin

Langit at lupa Siya’y papurihan
Araw at tala Siya’y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

At isigaw sa lahat
Kalinga Niya’y wagas
Kayong dukha’t salat
Pag-ibig Niya sa inyo ay tapat

Humayo’t ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang S’yang sa mundo’y tumubos

Langit at lupa Siya’y papurihan
Araw at tala Siya’y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

Halina’t sumayaw (buong bayan)
Lukso, sabay, sigaw (sanlibutan)
Ang ngalan Niyang angkin ‘sing ningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin

Langit at lupa Siya’y papurihan
Araw at tala Siya’y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan
Sa tanan
Sa tanan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Aleluya, aleluya, aleluya!


HINDI KITA MALILIMUTAN

Nilikha ni Manuel V. Francisco, S. J.
Batay sa Isaiah 49: 15-16

Hindi kita malilumutan
Hindi kita pababayaan
Nakaukit magpakailanman
Sa ‘king palad ang ‘yong pangalan

Malilimutan ba ng ina
Ang anak na galing sa kanya?
Sanggol sa kanyang sinapupunan
Paano n’yang matatalikdan?
Ngunit kahit na malimutan ng ina
Ang anak n’yang tangan

Hindi kita malilimutan
Kailan ma’y hindi pababayaan
Hindi kita malilimutan
Kailan ma’y hindi pababayaan

This song is based on Isaiah 49: 15-16.

AMA NAMIN

Nilikha ni Manuel V. Francisco, S. J.
Batay sa “The Lord’s Prayer”

Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para ng nasa langit
Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para ng pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At h’wag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masasama

“Awit ng Papuri”

Purihin ninyo ang Panginoon, dakilain ang Kanyang ngalan.
Purihin Sýa áy awitan at papurihan magpakailanman…
(lahat) at papurihan magpakailanman! (ooohhh)

I. Nilikha Nýa ang langit at lupa. Nilikha Nýa ang araw at b’wan.
Nilikha Nýa ang mga isda’t ibon, mga gubat at karagatan.
Tunay Sýang Banal at Dakila, purihin ang Kanyang Ngalan.
Ang lahat ng nilikha Nýaý mabuti, pinagyaman Nýa ng lubusan.

Purihin ninyo ang Panginoon, dakilain ang Kanyang ngalan.
Purihin Sýa áy awitan at papurihan magpakailanman…
(lahat) at papurihan magpakailanman! (ooohhh)

II. Nilikha ng Panginoon ang tao sa sarili N’ýang larawan.
Nilalang Nýa ang sangkatauhan, binigyan Nýa ng karangalan.
Tunay Sýang Banal at Dakila, purihin ang Kanyang Ngalan.
Kahit nagkasala ang tao, minahal pa rin ng lubusan.

III. Ito ang tipanan ni Yaweh, sa lahat ng Kanyang nilalang.
“Ako ang inyong Panginoon, ikaw ang tangi Kong hinirang”
Tunay Sýang Banal at Dakila, purihin ang Kanyang Ngalan.
Pinagpapala ang mga taong sa Kanya ay tapat kailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, dakilain ang Kanyang ngalan.
Purihin Sýa áy awitan at papurihan magpakailanman…at papurihan magpakailanman! (ooohhh)

Coda:
Purihin Sýa áy awitan at papurihan magpakailanman. . . (ooohhh)

“Laudate Dominum”

Laudate Dominum!
Purihin ang Diyos!
O sangkatauhan, santinakpan.
Laudate Dominum!

Laudate Dominum!
Purihin ang Diyos!
O sangkatauhan, santinakpan.
Laudate Dominum!

VERSE 1 (Cantor)
Sa bayang sinalanta,
bubong ang ‘Yong kalinga
sa binagyo ng dahas,
kaloob Mo ang lakas.

Laudate Dominum!
Purihin ang Diyos!
O sangkatauhan, santinakpan.
Laudate Dominum!

Laudate Dominum!
Purihin ang Diyos!
O sangkatauhan, santinakpan.
Laudate Dominum!

VERSE 2 (Cantor)
Sa ‘ming mga may sakit,
lunas ang Iyong pag-ibig.
Sa ‘ming dahop sa buhay,
yaman ang may kaagapay.

Laudate Dominum!
Purihin ang Diyos!
O sangkatauhan, santinakpan.
Laudate Dominum!

Laudate Dominum!
Purihin ang Diyos!
O sangkatauhan, santinakpan.
Laudate Dominum!

VERSE 3 (Cantor)
Sa ‘ming nangungulila buklod ang pagsasama. Sa nilimot ng lipunan, tinawag Mo sa handaan.

Laudate Dominum! Purihin ang Diyos! O sangkatauhan, santinakpan. Laudate Dominum!
Laudate Dominum! Purihin ang Diyos! O sangkatauhan, santinakpan. Laudate Dominum!

VERSE 4 (Cantor)
Kalikasang nilikha, tulay ng langit at lupa, sanlibutang pinagpala, Iyong pinagkatiwala.

Laudate Dominum! Purihin ang Diyos! O sangkatauhan, santinakpan. Laudate Dominum!
Laudate Dominum! Purihin ang Diyos! O sangkatauhan, santinakpan. Laudate Dominum!

VERSE 5 (Cantor)
Sangkatauhang liyag, may pag-asa sa liwanag. Bayang puspos ng awa, matatanaw ang ‘Yong mukha.

Laudate Dominum! Purihin ang Diyos! O sangkatauhan, santinakpan. Laudate Dominum!
Laudate Dominum! Purihin ang Diyos! O sangkatauhan, santinakpan. Laudate Dominum!

“Pag-aalaala”

Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Bayan ating alalahanin
Panahong tayo’y inalipin
Nang ngalan Niya’y ating sambitin
Paanong di tayo lingapin

Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Bayan, walang sawang purihin
Ang Poon nating mahabagin
Bayan, isayaw ang damdamin
Kandili Niya’y ating awitin

Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

"PAGMAMAHAL SA PANGINOON"

Pagmamahal sa Panginoon
ay simula ng karunugan
ang kanyang kapurihan
ay manatili magpakailanman

Purihin ang Panginoon,
siya ay ating pasalamatan
sa pagsasama at pagtitipon
ng Kanyang mga anak.

Pagmamahal sa Panginoon
ay simula ng karunugan
ang kanyang kapurihan ay manatili magpakailanman

Dakilang gawa ng Diyos,
karapat-dapat pag-aralan
ng tanang ng mga taong,
sumasamba sa Kanya.

Pagmamahal sa Panginoon
ay simula ng karunugan
ang kanyang kapurihan
ay manatili magpakailanman
ang kanyang kapurihan
ay manatili magpakailanman

“PANANAGUTAN”
Nilikha ni Eduardo P. Hontiveros, S. J.

Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang

Koro:

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
na kapiling N’ya

Sa ating pagmamahalan
At paglilingkod kanino man
Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan
(Koro)

Sabay-sabay ngang mag-aawitan
Ang mga bansa
Tayo’y tinuring ng Panginoon
Bilang mga anak
(Koro)

“PURIHIN ANG PANGINOON, SI KRISTO AY NARITO NA, TANGING LAKAS AT PAG-ASA”

Purihin ang Panginoon is one of the three introductory songs sung before the healing message of Bro. Mike Z. Velarde. This song was first being heard since the American occupation of the Philippines, and it is commonly sung during Catholic Holy Mass before the Holy Gospel, as well in all Christian churches in the Philippines

Gospel Acclamation song of the Roman Catholic mass song titled: “Purihin ang Panginoon, si Kristo ay narito na, tanging lakas at pag-asa”

PURIHIN ANG PANGINOON
SI KRISTO AY NARITO NA
TANGING LAKAS AT PAG-ASA
ALELUYA-A-ALELUYA

PURIHIN ANG PANGINOON
PAGDIRIWANG SA PAGDATING NIYA
NAGAGALAK ANG ATING ESPIRITU
SI KRISTO AY NARITO NA
ALITAN AY IWASAN NA
TAYO AY TUTULUNGAN NIYA

PURIHIN ANG PANGINOON
SI KRISTO AY NARITO NA
TANGING LAKAS AT PAG-ASA
ALELUYA-A-ALELUYA

TANGING LAKAS AT PAG-ASA
NARIRITO SA TUWINA
NAKAHANDANG TULUNGAN KA
ALELU-ALELUYA LAGI NA SIYA ANG KASAMA
SA HIRAP MAN AT GINHAWA.

PURIHIN ANG PANGINOON
SI KRISTO AY NARITO NA
TANGING LAKAS AT PAG-ASA
ALELUYA, ALELUYA

ALELUYA
ALELUYA
ALELUYA
ALELUYA
ALELUYA
ALELU-ALELUYA
ALELUYA
ALELUYA
ALE-LUYA
ALELUYA
ALELUYA
ALELU-ALELUYA
ALE-LUYA!

“Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan”
words by Danny Isidro, SJ;
music by Felipe Fruto LL Ramirez

Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

I
Sa ating pagkabagabag,
Sa Diyos tayo’y tumawag.
Sa ating mga kaaway,
Tayo ay Kanyang iniligtas!

Purihin ang Panginoon,
umawit ng kagalakan,
at tugtugin ang gitara
at ang kaaya-ayang lira.
hipan ninyo ang trumpeta.

Ang pasaning mabigat,
Sa ‘ting mga balikat.
Pinagaan ng lubusan
Ng Diyos na Tagapagligtas!

Purihin ang Panginoon,
umawit ng kagalakan,
at tugtugin ang gitara
at ang kaaya-ayang lira.
hipan ninyo ang trumpeta.

kaya panginoo’y dinggin;
ang landas n’y’ay tahakin.
habambuhay ay purihin kagandahang-loob n’ya sa atin.

Purihin ang Panginoon,
umawit ng kagalakan,
at tugtugin ang gitara
at ang kaaya-ayang lira.
hipan ninyo ang trumpeta.

“SA DIYOS LAMANG MAPAPANATAG”
words by Danny Isidro, SJ; music by Nemesio Que, SJ

Koro:
Sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa Sa Kanya nagmumula ang aking pag-asa at kaligtasan
1. O Diyos, Ikaw ang aking kaligtasan,
Nasa ‘yo aking kal’walhatian,
Ikaw lamang aking inaasahan Ang aking moog at tanggulan.
(Koro)
2. Paniniil ‘di ko pananaligan Puso’y ‘di ihihilig sa yaman
Kundi sa Diyos na makapangyarihan Na aking lakas at takbuhan.
(Koro)
3. Poon, Ika’y puno ng kabutihan,
Pastol Kang nagmamahal sa kawan Inaakay sa luntiang pastulan
Tupa’y hanap Mo kung mawaglit man.
(Koro)

“SA HAPAG ng PANGINOON”
(music: M V Francisco, SJ; lyrics: Lui Morano & M V Francisco, SJ; arrangement: Francisco Z Reyes)

Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo’y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng diyos sa tanan

I
Sa panahong tigang ang lupa
Sa panahong ang ani sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan
Sa panahon ng kapayapaan

Repeat chorus

Ii
Ang mga dakila’t dukha
Ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo
Ang api at sugatan,
Ang lahat ay inaanyayahan

Repeat chorus

Iii
Sa aming pagdadalamhati
Sa aming pagbibigay puri
Anu pa mang pagtangis hapo’t pasakit
Ang pangalan nya’y sinasambit

Chorus
Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo’y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng diyos sa tanan

Coda
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng diyos sa tanan

“Sa piging ng Panginoon”

Small World Children’s Choir
Lyrics: Bienvenida Tabuena
Music: Eduardo P. Hontiveros
Album: Munting Papuri

Koro:
Sa piging ng ating Panginoon,
tayo’y laging natitipon
upang matutong magmahalan
sa pag-ibig na makamtan.

Buhay ay inialay N’ya sa Dakilang Diyos Ama
upang atin nang makamtan
buhay na walang hanggan.

Sa piging ng ating Panginoon,
tayo’y laging natitipon
upang matutong magmahalan
sa pag-ibig na makamtan.

Buhay ay inialay N’ya,
upang tayo’y magkaisa
sa paghahatid ng ligaya,
mula sa pag-ibig N’ya.

Sa piging ng ating Panginoon,
tayo’y laging natitipon
upang matutong magmahalan
sa pag-ibig na makamtan.

May galak na makakamtan
sa bawa’t pagbibigyan;
habang buhay ay ingatan,
ang tapat na samahan.

Sa piging ng ating Panginoon,
tayo’y laging natitipon
upang matutong magmahalan
sa pag-ibig na makamtan.

Dinggin aming dalangin sa iyo
Poong Mahal; ang lihim ng Yong pag-ibig, sana’y aming makamtan.

Sa piging ng ating Panginoon,
tayo’y laging natitipon
upang matutong magmahalan
sa pag-ibig na makamtan.

upang matutong magmahalan
sa pag-ibig na makamtan.

SA ‘YO LAMANG
(words by Silvino Borres, SJ and Phillip Gan, SJ; music by Manuel V. Francisco, SJ; arranged by Norman Agatep)
Puso ko’y binihag Mo, sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay; ako’y lyo habang buhay.
Anhin pa ang kayamanan, luho at karangalan?
Kung Ika’y mapasa’kin, lahat na nga ay kakamtin.

Refrain:
Sa ‘Yo lamang ang puso ko;
Sa ‘Yo lamang ang buhay ko.
Kalinisan, pagdaralita, pagtalima, aking sumpa.

Tangan kong kalooban, sa Iyo’y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo, tumalima lamang sa ‘Yo. (refrain)

STELLA MARIS
(words by Silvino Borres, SJ and Phillip Gan, SJ; music by Manuel V. Francisco, SJ; arranged by M V Francisco, SJ and Norman Agatep)

Kung itong aming paglalayag
Inabot ng pagkabagabag
Nawa’y mabanaagan ka
Hinirang na tala ng umaga

Kahit alon man ng pangamba
Di alintana sapagkat naro’n ka
Ni unos ng pighati
At kadiliman ng gabi

KORO:
Maria sa puso ninuman
Ika’y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw

Tanglawan kami aming ina
Sa kalangitan naming pita
Nawa’y maging hantungang
Pinakamimithing kaharian (KORO)

TANDA ng KAHARIAN ng DIYOS
(music: M V Francisco, SJ; lyrics: Lui Morano & Manoling V Francisco, SJ; arrangement: Francisco Z Reyes)

Koro:
Humayo na’t ipahayag, Kanyang pagkalinga’t habag
Isa-buhay pag-ibig at katarungan tanda ng Kanyang kaharian.
1. Sa panahong tigang ang lupa,
sa panahon ang ani’y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan,
Sa panahon ng kapayapaan. (Koro)
2. Ang mga dakila’t dukha, ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan,
Ang lahat ay inaanyayahan. (Koro)
3. Sa ‘ming pagdadalamhati,
sa ‘ming pagbibigay puri
Ano pa mang pagtangis, hapo’t pasakit
Ang pangalan N’ya’y sinasambit. (Koro)

TANGING ALAY (Salamat Sa Iyo)

Salamat sa iyo
Aking Panginoong Hesus
Ako’y inibig mo
At inangking lubos

Coro:
Ang tanging alay ko sa’yo aking Ama
Ay buong buhay ko puso’t kaluluwa
Di makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas ni gintong sinukob

Ang tanging dalangin O Dios ay tanggapin
Ang tanging alay ko nawa ay gamitin
Ito lamang Ama wala ng iba pa
Aking hinihiling

Di ko akalain
Na ako’y binigyan mong pansin
Ang taong tulad ko’y
Di dapat mahalin

Repeat Coro

Aking hinihintay
Ang iyong pagbabalik Hesus
Ang makapiling ka’y
Kagalakang lubos

Repeat Coro

“Tanging Yaman”

KORO:
Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha Mong kariktan
Sulyap ng ‘Yong kagandahan

Ika’y hanap sa tuwina
Nitong puso’ng Ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa ‘Yo, Sinta (KORO)

Ika’y hanap sa tuwina
Sa kapwa ko Kita laging nadarama
Sa Iyong mga likha
Hangad pa ring masdan ang ‘Yong mukha (KORO)

Tayo’y Magtipon
Titik at musika: Eduardo P. Hontiveros, SJ

Tayo’y magtipon at mag-awitan ang Diyos ay ating purihin
Tayo’y magtipon at mag-awitan ang Diyos ay ating purihin

Magpuri tayo sa Panginoon,
tayong lahat ng bansa.

Tayo’y magtipon at mag-awitan ang Diyos ay ating purihin
Tayo’y magtipon at mag-awitan ang Diyos ay ating purihin

Luwalhatiin natin Siya,
tayong lahat ng bansa.
Sapagkat matatag ang Kanyang awa’t
kagangahang loob.

Tayo’y magtipon at mag-awitan ang Diyos ay ating purihin
Tayo’y magtipon at mag-awitan ang Diyos ay ating purihin

TINAPAY ng BUHAY
(music: M V Francisco, SJ; lyrics: M V Francisco, SJ, Junjun Borres, SJ & Getty Atienza; arrangement: Francisco Z Reyes)

KORO:
Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
At pagsasalong walang hanggan

Basbasan ang buhay naming handog
Nawa’y matulad sa pag-aalay Mo
Buhay na laan nang lubos
Sa mundong sa pag-ibig ay kapos

Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
At pagsasalong walang hanggan

Marapatin sa kapwa maging tinapay
Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naaapi
At kanlungan ng bayan Mong sawi

Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
At pagsasalong walang hanggan
At pagsasalong walang hanggan



MGA PAMASKONG AWITIN (Christmas Songs) – used for Simbang Gabi

“ANG PASKO AY SUMAPIT”
Music: Vicente Rubi
Lyrics: Levi Celerio

Ang Pasko ay sumapit, tayo ay mangagsiawit ng magagandang himig dahil sa ang Diyos ay pag-ibig nang si Kristo’y isilang may tatlong haring nagsidalaw at ang bawa’t isa ay nagsipaghandog ng tanging alay

Bagong taon ay magbagong buhay nang lumigaya ang ating bayan tayo’y magsikap upang makamtan natin ang kasaganaan. Tayo’y mangagsiawit habang ang mundo’y tahimik ang araw ay sumapit ng sanggol na dulot ng langit tayo ay magmahalan ating sundin ang gintong aral at magbuhat ngayon kahit hindi pasko ay magbigayan.

Sa maybahay ang aming bati ‘Merry Christmas’ na maluwalhati ang pag-ibig ‘pag siyang naghari araw-araw ay magiging Paskong lagi ang sanhi po ng pagparito hihingi po ng aginaldo kung sakaling kami’y perhuwisyo pasensya na kayo’t kami’y namamasko.

ANG PASKO AY SUMAPIT NA NAMAN KAYA’T TAYO AY DAPAT NA MAGDIWANG PAGKAT NGAYON AY ARAW NG PAGSILANG NI HESUS NA DI NATIN MALILIMUTAN

HALINA TAYO AY MANALANGIN NANG TAYONG LAHAT AY KANYANG PAGPALAIN ANG PASKO AY ATING PASAYAHIN SA PAGMAMAHALAN NATIN

MALIGAYANG PASKO SA BAWAT TAHANAN ANG DALANGIN NAMIN SANA AY MAKAMTAN MASAGANANG BUHAY SA TAONG DARATING ANG MAGING PALAD SANA NATIN DINGGIN LAMANG ANG DALANGIN DARATING ANG HANGARIN SAMA-SAMANG AWITIN ANG ISANG AMA NAMIN

MAY GAYAK ANG LAHAT NG TAHANAN MASDAN NIYO AT NAGPAPALIGSAHAN MAY PAROL AT ILAW BAWAT BINTANA NA SADYANG IBA’T-IBA ANG KULAY KAYGANDA ANG AYOS NG SIMBAHAN ANG LAHAT AY INAANYAYAHAN NANG DAHIL SA PAGSILANG SA SANGGOL NA SIYANG MAGHAHARI SA PANGHABANG PANAHON

ANG PASKO AY ARAW NG BIGAYAN ANG LAHAT AY NAGMAMAHALAN TUWING PASKO AY LAGI NANG GANYAN MAY SIGLA, MAY GALAK ANG BAYAN

MALIGAYA, MALIGAYANG PASKO KAYO AY BIGYAN MASAGANA, MASAGANANG BAGONG TAON AY KAMTAN IPAGDIWANG, IPAGDIWANG ARAW NG MAYKAPAL UPANG MANATILI SA ATIN ANG KAPALARAN AT MABUHAY NANG LAGI SA KAPAYAPAAN

MANO PO NINONG, MANO PO NINANG NARIRITO KAMI NGAYON HUMAHALIK SA INYONG KAMAY SALAMAT NINONG, SALAMAT NINANG SA AGINALDO PONG INYONG IBIBIGAY

PASKO NA NAMAN, PASKO NA NAMAN KAYA KAMI NGAYOY AY NARIRITO UPANG KAYONG LAHAT AY AMING HANDUGAN NANG IBA’T-IBANG HIMIG NA PAMASKO

MALIGAYA, MALIGAYA MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!

“ANG PASKO AY SUMAPIT”
Music: Vicente Rubi
Lyrics: Levi Celerio

Sa maybahay ang aming bati
‘Merry Christmas’ na maluwalhati
Ang pag-ibig ‘pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi

Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami’y perhuwisyo
Pasensya na kayo’t kami’y namamasko.

Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo ay isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa
Ay nagsipaghandog ng tanging alay

Bagong taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo’y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo’y mangagsi-awit
Habang ang mundo’y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng Sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan

“Bituin”

Sa isang mapayapang gabi
k__inang ang marikit na bituin
At tumanod sa himbing na pastulan, nag-abang

Pagkagising ng maralita
Nabighani sa bagong tala, naglakad
At tinungo sabsabang aba

KORO:
Hesus, bugtong na anak ng ama
Tala ng aming buhay, liwanag
Kapayapaan, kahinahunan
Kapanatagan ng puso
Giliw ng Diyos at pag-asa ng maralita
Ng abang ulila
Biyayaan Mo kami ng pagtulad sa Iyo
Nang magningning bilang ‘Yong mga bituin

Sa isang pusong mapagtiis
k__inang ang marikit na bituin
At doon nanatili, nag-alab, nagningning
Taimtim nating kalooban
Ginawa Niyang Kanyang himlayan, dalanginan
Nilikha Niya’ng sabsabang aba

Hesus, bugtong na anak ng ama
Tala ng aming buhay, liwanag
Kapayapaan, kahinahunan
Kapanatagan ng puso
Giliw ng Diyos at pag-asa ng maralita
Ng abang ulila
Biyayaan Mo kami ng pagtulad sa Iyo
Nang magningning bilang ‘Yong mga bituin

Hesus, bugtong na anak ng ama
Tala ng aming buhay, liwanag
Kapayapaan, kahinahunan
Kapanatagan ng puso
Giliw ng Diyos at pag-asa ng maralita
Ng abang ulila
Biyayaan Mo kami ng pagtulad sa Iyo
Nang magningning bilang ‘Yong mga bituin

“HALINA, HESUS”

Refrain:
Halina, Hesus, Halina!
Halina, Hesus, Halina!

Sa simula isinaloob mo
O, Diyos, kaligtasan ng tao
sa takdang panahon ay tinawag mo
isang bayang lingkod sa iyo.

Gabay ng iyong bayang hinirang
ang pag-asa sa iyong Mesiya “Emmanuel”
ang pangalang bigay sa kanya
“Nasa atin ang Diyos tuwina”.

Halina, Hesus, Halina!
Halina, Hesus, Halina!

Isinilang s’ya ni Maria, birheng tangi,
Hiyas ng Judea at “Hesus”
ang pangalang binigay sa kanya
“Aming Diyos ay taga pag-adya”
Darating muli sa takdang araw,
upang tanang tao’y tawagin
At sa Puso mo, aming Ama’y bigkisin
Sa pag-ibig na ‘di mamaliw.

Halina, Hesus, Halina! Halina, Hesus, Halina!

HIMIG PASKO
Composer: Serapio Ramos

Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawa’t damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog ng langit

Himig ng Pasko’y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lugod sa kasayahan

Himig ng Pasko’y umiiral
Sa loob ng bawat ng tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin

Himig ng Pasko’y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lugod sa kasayahan

Himig ng Pasko’y umiiral
Sa loob ng bawat ng tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin

KAMPANA NG SIMBAHAN
Kampana ng simbahan ay nagigising na
At waring nagsasabi na tayo’y magsimba
Maggising at magbangon tayo’y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan

Ang kampana’y tuluyang naggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa

Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin
Pagka’t tayo’y may tungkulin sa panalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat ay manalangin habang nagsisimba

MISA DE GALLO
Misa De Gallo sa simbahan
At nagtilaok na ang tandang
Tanda ng pagdiriwang at pagmisa
Paskong dakilang araw

Ang awit na handog sa Mesiyas
Mayroon pang kastanyeta
At ang koro tuloy ang kanta
May saliw din ng kwanderata

Misa de Gallo sa tuwing Pasko
Nagdarasal ang bawa’t tao
At nagpapasalamat sa pagsilang
Ng Diyos na Hari ng mundo

repeat 2nd stanza
repeat 3rd stanza
repeat all

“Pasko Na Naman”

Music by Felipe de Leon, Sr.
Lyrics by Levi Celerio

Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko, dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko, tayo ay mag-awitan

Koro:
Pasko (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Tanging araw nating pinakamimithi
Pasko (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Ang pag-ibig, naghahari

(repeat all )
(repeat chorus 3x)

Sa maybahay ang aming bati
‘Merry Christmas’ na maluwalhati
Ang pag-ibig ‘pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi

Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami’y perhuwisyo
Pasensya na kayo’t kami’y namamasko.

Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo ay isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa
Ay nagsipaghandog ng tanging alay

Bagong taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo’y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo’y mangagsi-awit
Habang ang mundo’y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng Sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan

PASKO NA, SINTA KO
(Francis Dandan)

Pasko na sinta ko hanap-hanap kita
Bakit magtatampo’t nilisan ako

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Pasko, inulila mo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Paskong alay ko sa’yo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang paskong alay ko sa’yo

“sana ngayong Pasko”

Pasko na naman ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sayo
Bakit ba naman kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka

REFRAIN:
Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko…

REFRAIN:
Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko…

(Repeat Refrain)

Sana ngayong Pasko…

No comments:

Post a Comment