Saturday, September 17, 2016

ANG PASKO AY SUMAPIT

ang Pasko ay sumapit
tayo ay mangagsiawit
ng magagandang himig
dahil sa Diyos ay pag-ibig
nang si Kristo ay isilang
may tatlong haring nagsidalaw
at ang bawa't isa
ay nagsipaghandog ng tanging alay

Koro:
Bagong Taon ay magbagong-buhay
nang lumigaya
ang ating bayan
tayo'y magsikap
upang makamtan natin
ang kasaganaan
tayo'y mangagsiawit
habang ang mundo ay tahimik
ang araw ay sumapit
ng sanggol na dulot ng langit
tayo ay magmahalan
ating sundin ang gintong aral
at magbuhat ngayon
kahit hindi Pasko ay magbigayan (Koro)

sa maybahay ang aming bati
‘Merry Christmas!’ na maluwalhati
ang pag-ibig ‘pag siyang naghari
araw-araw ay magiging Paskong lagi
ang sanhi po ng pagparito
hihingi po ng aginaldo
kung sakaling kami’y perhuwisyo
pasensya na kayo’t kami’y namamasko.

Ang Pasko ay sumapit na naman
kaya’t tayo ay dapat na magdiwang
pagkat ngayon ay araw ng pagsilang ni hesus
na di natin malilimutan
halina tayo ay manalangin
nang tayong lahat ay kanyang pagpalain
ang Pasko ay ating pasayahin
sa pagmamahalan natin.

Maligayang Pasko sa bawat tahanan
ang dalangin namin sana ay makamtan
Masaganang buhay sa taong darating
ang maging palad
sana natin dinggin lamang
ang dalangin darating
ang hangarin
sama-samang awitin ang isang Ama Namin

may gayak ang lahat ng tahanan
masdan niyo at nagpapaligsahan
may parol at ilaw bawat bintana na sadyang
iba’t-iba ang kulay kayganda 
ang ayos ng simbahan
ang lahat ay inaanyayahan
nang dahil sa pagsilang sa sanggol na siyang maghahari
sa panghabang panahon

ang Pasko ay araw
ng bigayan ang lahat
ay nagmamahalan tuwing Pasko
ay lagi nang ganyan
may sigla, may galak ang bayan

Maligaya, maligayang Pasko
Kayo ay bigyan masagana,
Masaganang Bagong Taon
ay kamtan ipagdiwang,
Ipagdiwang araw ng maykapal
Upang manatili sa atin
Ang kapalaran at mabuhay
nang lagi sa kapayapaan

Mano Po Ninong, Mano Po Ninang
naririto kami ngayon
humahalik sa inyong kamay
salamat ninong, salamat ninang
sa aginaldo pong inyong ibibigay

Pasko na naman, Pasko na naman
kaya kami ngayo'y ay naririto
upang kayong lahat ay aming handugan
nang iba’t-ibang himig na Pamasko

Maligaya, maligaya maligayang Pasko
sa inyong lahat!

No comments:

Post a Comment