Saturday, February 19, 2022

4 tiklo sa umano’y drug den sa Subic; P102k halaga ng umano’y shabu nasabat

Arestado ang 4 na indibidwal sa loob ng hinihinalang drug den sa Subic, kung saan may nakuhang humigit-kumulang P102,000 halaga ng hinihinalang shabu Biyernes ng gabi.


Kasunod ito ng entrapment operation na inilunsad ng mga operatiba ng PDEA Zambales at Zambales Police.


Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina alyas Virgilio, 58, at alyas Arvin, 52, na itinuturong nagme-maintain umano ng drug den. 


Arestado rin sina alyas Richard, 38, at alyas Graciel, 33.


Nakuha sa sting operation ang 5 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang 15 gramo ng shabu na may halagang P102,000, sari-saring mga gamit sa droga, at ang buy-bust money.


Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.


https://news.abs-cbn.com/news/02/19/22/4-arestado-sa-umanoy-drug-den-sa-subic-shabu-nasabat

No comments:

Post a Comment