Saturday, May 15, 2021

P600,000 halaga ng marijuana nakumpiska sa Isabela

Arestado ang isang lalaki matapos mahuli sa akto umanong pagbebenta ng marijuana sa Cabatuan, Isabela noong Huwebes ng hapon. 


Ang suspek ay 20-anyos na taga-San Mateo, Isabela at isa umano sa mga "high-value target drug personality".


Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 2, apat na balot ng marijuana leaves with fruiting tops ang ibinenta umano ng suspek sa PDEA agent na nagpanggap bilang poseur buyer.


Aabot sa humigit-kumulang 5 kilo ang timbang ng nakumpiskang marijuana at tinatayang nagkakahalaga ito ng P600, 000. 


Narekober pa sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng marijuana, isang kalibre .38 na baril, 4 na bala, mobile phone at ang motorsiklo na ginamit nito sa pakikipagtransakyon. 


Sinampahan na ang suspek ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. 


- ulat ni Harris Julio


https://news.abs-cbn.com/news/05/15/21/p600000-halaga-ng-marijuana-nakumpiska-sa-isabela

No comments:

Post a Comment