Aabot sa P14 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad sa isang operasyon kontra droga sa Nueva Ecija Biyernes ng hapon.
Nauwi sa shootout ang isinagawang anti-illegal drug operation ng pulisya sa Barangay Sto Cristo Sur, Gapan City, Nueva Ecija.
Patay ang 2 drug suspect na kinilalang sina Dennis Kue at Percival PestaƱo Miranda habang nakatakas ang isa pa nilang kasama na kinilala lang sa alyas na Joel.
Nakuha sa crime scene ang 3 sachet ng hinihinalang shabu na mahigit 2 kilo ang timbang at aabot sa P14 million ang street value.
Ayon sa pulisya, kilala ang mga suspek na illegal drugs distributors at kasabwat ni alyas Bating at alyas Joel na bodegero or warehousemen umano ni alyas Intsik, isang Chinese national.
Konektado rin umano ang grupo kay Arthur Abdul na napatay sa Pasig City noong May 09, 2021. Si alyas Intsik umano ang supplier nila ng droga na ibinabagsak sa National Capital Region, Region 3, Region 4, at iba pang probinsya.
Ayon pa sa impormasyon ng pulisya, si alyas Baldo ay isang AWOL na sundalo ng Philippine Army.
- ulat ni Gracie Rutao
https://news.abs-cbn.com/news/05/15/21/p14-m-halaga-ng-shabu-nasamsam-sa-nueva-ecija
No comments:
Post a Comment