Thursday, April 15, 2021

Umano’y gunrunner patay matapos umanong manlaban sa Maguindanao

Patay ang isang umano'y gunrunner matapos umanong manlaban sa pulis at militar sa isang operasyon sa Barangay Sambulawan sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao, Miyerkoles.


Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., hepe ng Western Mindanao Command, nagkasa ng operasyon para arestuhin ang suspek na si Marcos Manungal dahil sa ilegal na pagtatago at pagbebenta ng baril.


Pero nanlaban umano ang suspek, na kaniyang ikinamatay.


Narekober ng mga awtoridad ang 1 Browning Automatic Rifle na may 4 na magazine, 4 na 12-gauge live ammunition, 50 bala para sa 1 kalibre .30 na baril, 35 na N1 Garand clip, 9 na Carbine magazine, 12 na kalibre .50 shell na walang laman, at 3 box ng iba pang bala.


Ayon sa mga awtoridad, naibigay na sa pamilya ni Manungal ang bangkay ng suspek.


Samantala, nahuli din ng mga awtoridad ang 4 na lalaki dahil din sa illegal possession of firearms sa Barangay Butelin sa parehong bayan.


Ayon sa mga awtoridad, nagkasa sila ng search warrant laban sa pangunahin nilang target na si Jaybee "Abu Naim" Mastura dahil sa ilegal na pagtatago ng baril at explosive.


Pero nang hinain na ang warrant, nakatakas si Mastura habang nahuli ang kaniyang apat na kasama na sina Mike Guipal Badrudin, Nadia Kero, Arbaiya Bangkong Mustapha, at Ali Ebrahim Ebrahim.


Kinasuhan na ang mga natiklo ng paglabag ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


https://news.abs-cbn.com/news/04/15/21/umanoy-gunrunner-patay-matapos-umanong-manlaban-sa-maguindanao

No comments:

Post a Comment