Tuesday, March 16, 2021

Sitwasyon ng health workers, lumubha pa umano matapos ang isang taon: AHW

 Matapos ang isang taong sakripisyo ng health workers mula nang tamaan ang bansa ng COVID-19 pandemic, para sa Alliance of Health Workers, lumubha pa ang kanilang sitwasyon ngayon.


Paliwanag sa TeleRadyo ni Robert Mendoza, AHW national president, nakakalungkot aniya dahil marami ngayon ang tinatamaan ng COVID.


Hindi pa rin daw nareresolba ang problema sa understaffing, at dumoble pa ang pangangailangan dahil marami ang nag-resign at nag-early retirement. Dahil dito, sobra-sobra pa rin ang oras na ginugugol ng mga hospital staff. 


Bukod dito, may mga benepisyo pa ring hindi umano natatanggap ang mga health workers, gaya ng meal allowance.


“Dapat tugunan ang aming pangangailangan, kagalingan upang mapaglingkuran namin nang maayos ang mga pasyente. And then, itaas sana ang aming sahod, ibigay ang mga benepisyo, dagdagan ang personnel upang malutas ang malubhang understaffing at mahabang oras (sa trabaho)," sabi ni Mendoza.


"Sa ngayon po, ganun pa rin ang kanilang time - 12 hrs, na dapat 8 hours lang. Pagod na pagod ang ating health workers po,” dagdag niya.


Sa datos ng AHW, higit 15,200 na health workers na ang tinamaan ng COVID. Ang mga namatay ay 82 na.


- TeleRadyo 16 Marso 2021


https://news.abs-cbn.com/video/news/03/16/21/sitwasyon-ng-health-workers-lumubha-pa-umano-matapos-ang-isang-taon-ahw

No comments:

Post a Comment