Wednesday, March 31, 2021

Ika-500 anibersaryo ng unang Easter Mass sa Pilipinas, ipagdiriwang

Inanyayahan ng Archdiocese of Manila ang lahat ng Katoliko na ipagdiwamg ngayong Miyerkoles ang ika-500 anibersaryo ng unang Easter Mass sa Pilipinas.


Ang selebrasyon ng isa sa mga mahalagang parte ng kasaysayan ng bansa ay pwedeng panoorin sa pamamagitan ng pagdalo sa online mass live sa Limasawa sa Southern Leyte. 


Alas-10 ng umaga ang misa at inaasahan na pupunta ang Apostolic Nuncio o ang representative ng Santo Papa sa Pilipinas.


Todo paghahanda na ang ginagawa ng Diocese of Maasin para sa selebrasyon. Ang pilgrim image ng Santo NiƱo de Cebu ay dumating na sa lungsod ng Maasin at dadalhin ito sa Limasawa Island para sa misa. Magkakaroon din ng fluvial procession mula sa mainland ng Southern Leyte papunta sa isla.


Naging kontrobersyal ang pagpili sa Limasawa bilang lugar kung saan naganap ang unang Easter Mass sa Pilipinas. Pero matapos ang ilang taong research, aprubado ng gobyerno at ng Simbahan na noong March 31, 1521, nangyari ang misa sa Limasawa. 


Bahagi ito ng Quincentennal Commemorations sa Pilipinas at ng 500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/news/03/31/21/ika-500-anibersaryo-ng-unang-easter-mass-sa-pilipinas-ipagdiriwang

No comments:

Post a Comment