Pinangunahan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Manila Mayor Isko Moreno, National Historical Commission of the Philippines chairman Rene Escalante at Supreme Commander ng Knights of Rizal na Sir Elihu YbaƱez ang paggunita sa ika-124 anibersaryo ng pagkamatay ni Jose Rizal sa Luneta, Miyerkoles ng umaga.
Nagbigay ng virtual message si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang programa.
Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Jose Rizal, Inspirasyon sa Pagbangon at Paghilom ng Bayan.”
Mayroon din selebrasyon sa mga parke at museo sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na sa Calamba, Laguna, sa Dapitan sa Zamboanga del Norte at Fort Santiago sa Intramuros, Maynila.
Pagkatapos ng flag-raising at wreath-laying ceremony, nakausap ng media si Lorenzana tungkol sa isyu ng vaccines at nabakunahang mga sundalo at Presidential Security Group.
Ayon kay Lorenzana, walang authority o hindi niya alam kung saan galing ang mga vaccine na ito.
Aniya, hindi niya aaprubahan sakaling magkaroon ng panibagong batch ng pagbabakuna na hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration .
Mensahe naman niya sa frontliners na huwag nang magtampo dahil prayoridad sa budget ng gobyerno sa bibiling vaccines ay mga medical frontliner.
Samantala, inulit ni Mayor Moreno na bawal ang paputok sa Bagong Taon at aarestuhin ang sinumang mahuhuling magpapaputok.
No comments:
Post a Comment