Thursday, December 5, 2019

Maraming mawawalan ng trabaho! ABS-CBN huwag isara – mga netizen

Nagkaisa sa social media ang mga netizen para suportahan ang #NoToABSCBNshutdown.

Noong Martes, Disyembre 3 sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang umasa pa ang Kapamilya network na mare-renew ang prangkisa nito na nakatakdang mag-expire sa Marso 30, 2020.

“If you are expecting na ma-renew ‘yan (franchise), I am sorry. I will see to it that you are out,” pahayag ni Duterte.

Kinumpirma rin ni House legislative franchise committee Franz Alvarez na wala sa kanilang iskedyul ang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Walang hearing sa December 10, walang hearing for the year,” lahad ng Palawan representative.

Nakiusap naman ang mga nagmamahal sa Kapamilya network na huwag i-shutdown ang ABS-CBN na malaking parte anila ng kanilang buhay.

Hindi rin daw ito para sa kanilang mga idolo kundi sa libo-libong mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng ABS-CBN.

https://tnt.abante.com.ph/maraming-mawawalan-ng-trabaho-abs-cbn-huwag-isara-mga-netizen/

No comments:

Post a Comment