Wednesday, June 12, 2019

House of Representatives freezes ABS-CBN franchise renewal

Namimiligrong hindi ma-renew ang franchise for broadcast ng ABS-CBN.

Ito ay matapos upuan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4349 na naglalayong muling mabigyan ng prangkisa ang broadcast giant sa susunod na 20 taon.

Nakatakdang mag-expire ang license to broadcast ng ABS-CBN Corporation sa Marso 30, 2020 o siyam na buwan mula ngayon.

Ayon sa ulat ng PhilStar Online ngayong Miyerkules, June 12, hindi inaksiyunan ng Committee on Legislative Franchises ang bill na naipasa pa noong November 2016 na naglalayong ipalawig ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang sa mag-adjourn ang huling session ng 17th Congress noong June 5.

Nangangahulugang kailangang muling i-refile ang nasabing batas sa 18th Congress upang maaksiyunan ito.

Magsisimula sa July 22 ang 18th Congress.

Ayon pa sa isang source ng ulat, hindi raw aaksiyunan ng committee ang anumang panukalang batas na may kaugnayan sa franchise renewal ng ABS-CBN hanggang hindi naaayos ang reklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa istasyon.

Saad sa report, "They have to thresh out and resolve their issues with the President.

"That's the key to get the bill moving."

Hayagang sinabi ng Pangulo sa ilan sa kanyang mga talumpati na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil ginantso diumano siya ng network noong 2016 presidential elections.

Hindi raw kasi inere ng network ang kanyang political ad kahit bayad na ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa tumutugon ang ABS-CBN sa alegasyong ito ni Duterte.

Ang rival network ng ABS-CBN na GMA Network ay noon pang April 2017 naaprubahan ang franchise renewal na tatagal sa susunod na 25 taon.

https://www.pep.ph/news/143850/house-of-representatives-freezes-abs-cbn-franchise-renewal-a718-20190612

No comments:

Post a Comment