Wednesday, June 12, 2019

ABS-CBN nanganganib: Renewal ng prangkisa binakuran sa Kongreso

Siyam na buwan na lang epektibo ang prangkisa ng ABS-CBN network, kapag hindi nakapag-renew ay posibleng mawala sa himpapawid kapag nag-expire ang franchise sa March 30, 2020.

At ayon sa report ng Philippine Star, nabakante sa 17th Congress ang bill ng pagre-renew ng franchise ng TV network, kakailanganin ulit mag-file ng bill para sa susunod 18th Congress para muling matalakay ang isyu.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon na kanyang sasaraduhan ang pagpasa ng renewal ng ABS-CBN dahil aniya ay ‘magnanakaw’ umano ang TV network.

“Hindi ko palusutin. Iyong franchise niyo matatapos. But let me ask you questions first. Kasi ako talaga mag-object na ma-renew kayo. Alam mo bakit? Magnanakaw kayo, estapador,” ayon kay Duterte.

Ang ibang malaking TV network naman ay nakakuha ng 25-year franchise renewal noon lamang Abril 2017.

Sa ngayon, mapapansin na pinalalakas ng ABS-CBN ang kanilang online platform at nagkakaroon din ng kasunduan sa mga ibang production at TV network sa ibang bansa para sa kanilang mga content.

http://tnt.abante.com.ph/191418-2/

No comments:

Post a Comment