Thursday, May 19, 2016

DZMM Jingle

DZMM 630
"DZMM Theme"
Music by Jessie Lasaten
Words by Bing Palao, Robert Labayen, and Peter Musngi
Performed by Reuben Laurente

Masdan mo ang ating bayan
Anong iyong nakikita
May dapat bang malaman?
Ating pag-usapan

Masdan mo ang iyong kapwa
Anong iyong nakikita
Luha ba o ligaya
Ang nasa kanyang mga mata
May nakikinig sa’yo Kapamilya
Nagmamalasakit sa tuwi-tuwina

D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Nagbababalita naglilingkod
Saan man sa buong mundo
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Tapat at totoo para sa inyo, oh Pilipino

May bulong ng mithitin
Sigaw ng inyong damdaamin
Tinig ng ating pag-asa
Pag-ibig at pagkakaisa

Malayang nagbabalita at naglilingkod
Iba't ibang tinig natin na dinadala ng hangin
May karamay ka sa iyong pagsisikap
Kasabay mo sa iyong mga pangarap
Inyong tulay inyong gabay
Gabi't araw kapit kamay saan man

D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Nagbababalita naglilingkod
Saan ka man sa buong mundo
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Tapat at totoo para sa iyo, oh Pilipino

“DZMM Silveradyo”
Music by Jessie Lasaten
Words by Milam Anaten
Performed by Noel Cabangon

Una mong nasilip ang pag-asa
Nang ang tinig mo'y naisigaw nang Malaya
Una kang kumilos, una kang bumangon
Sa tawag ng bayan, unang tumugon

Nag-alab ang misyon sa pag-usad ng panahon
Tumitibay ang loob, ano man ang hamon
Sa bawat balita, damdamin at gawa
Una sa tuwina ang kapwa...

D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Una sa balita, Una sa paglilingkod
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Saan man sa mundo, una ka Pilipino!

Haharapin ang darating na bukas
‘Pagkat bayan ang aming laging lakas
Sa kapwa tutulong, Sa buhay susulong
Pangarap natin, abot na...

D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Una sa balita, Una sa paglilingkod
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Saan man sa mundo, una ka Pilipino!

Dalawangpu’t-siyam na taong
Tayo'y magkasama
Sa unos magkaramay
Magkahawak sa tagumpay...

D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Una sa balita, Una sa paglilingkod
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Saan man sa mundo, una ka Pilipino!
"Ang Bayan Naman!"
GREGORIAN:
Nawawalan na ng pag-asa… said na ang tiwala 
Hindi kami magpapadala nang basta basta... Unti-unting nauubos ang aming pasensya
Paano kaya kinakaya ng iyong konsensya? Naniwala kami sa iyong pangako at plataporma, Pero walang natupad, tila ika'y nagka-amnesia...

‘Di ka naman atleta pero ang lakas mo mambola.
Mga hilaw mong salita daig pa ang sirang plaka... Kilala ka naman naming
Bakit kailangan mo pang isulat? Ang pangalan mo sa dinonate mong lahat…
Waiting shed, tulay, kalsada at saklay, pader na pinapinturahan, posteng kinuryentihan… Gumastos ka ba? O, gumastos ka ba? Eh, pera namin 'yan! Pera namin yan!
Relief goods, bola, mga lumang damit, Basta pwedeng tatakan iyong sinusulit.
Hilong-hilo na kami sa mga pa-ikot mo. Akala mo lahat nabibili at may presyo 
Pantay-pantay naman tayo, lahat tayo tao… Bakit may mga ilan na sadyang mapang-abuso.

REFRAIN:
Wag ka nang magpanggap
Di ka namin matatanggap... Ang bayang ito… Pagod na sa paghihirap...

CHORUS:
Ang bayan naman ang iyong pagsilbihan..Ang bayan naman
Para may kinabukasan..Ang bayan naman... Kami ang pakinggan!
Ang bayan naman! Ang bayan naman!

II
Luha at pawis ng mamamayan.. yan ang ginagamit mo para yumaman.. ang tindi mo naman, meron ka pang pasan
Kung umupo kayo, buong angkan
Kunwari'y naninilbihan, at nagbabait-baitan, pero kaban ng bayan tiyak na ninanakawan, Ang paghahari sa lansangan na iyong pinalawak, sa dami mong mali, pati kami napapahamak… Pwera bola, pwera biro, Itaga man sa bato, lahat ng nabanggit totoong-totoo..

Wag ka nang magpanggap
Di ka namin matatanggap... ang bayang ito…
pagod na sa paghihirap...

CHORUS:
Ang bayan naman
Ang iyong pagsilbihan..
Ang bayan naman
Para may kinabukasan..
Ang bayan naman...
Kami ang pakinggan!
Ang bayan naman! 
Ang bayan naman!

GREGORIAN BRIDGE:
Alam naman namin na may ilan dyan na tapat sa panunungkulan.
Kami ang kasama mo dito sa laban 
Para sa yo at amin ang bayan naman.

Ang bayan naman
Ang iyong pagsilbihan..
Ang bayan naman
Para may kinabukasan..
Ang bayan naman...
Kami ang pakinggan!
Ang bayan naman! 
Ang bayan naman!

CODA:
Ang bayan naman!
Ang kikilos! Ang gagalaw!
Ang bayan naman!
Pula, dilaw, bughaw!
Ang bayan naman Paglilingkuran!
Ang bayan naman! (Ang bayan naman!)

“DZMM Christmas Station ID 2014”
Performed by Lani Misalucha
Music by Raizo Chabeldin
Lyrics by Lloyd Oliver Corpuz

Pag-asa’y laging dala sinag ng bagong umaga
Pinagdadala sa hangin doon sa atin hanggang dulo
Nahirap na nagbubuo ilang beses ang ate ko
Tuloy pa rin ang pag-tayo sa laban hanggang dulo
Sama-sama tayo kaibigan kahit magkakaiba
Magpasalamat tila maghintay

D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Salamat sa malasakit para sa isa't isa
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Pag-asa ay nagbubuo dahil sa’yo, oh Pilipino

Maging mabuting halimbawa sa ating kapwa
Ibigay ang makakaya sa ngangailangan atin pa
Sa lakas ng ating dasal at tulong ng maykapal
Basta’t tayo’y sama-sama bukas mas maliwanag na
Tayo ay iisa sa mata’y may likha
Isang Bayang, Isang Mundo ng Pag-Papasalamat sa Kanya

D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Salamat sa malasakit para sa isa't isa
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Pag-asa ay nagbubuo dahil sa’yo, oh Pilipino

Hinding-Hindi sumusuko ang aming pasasalamat
Kaya para lang sa’yo sa buong mundo umaasa
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Salamat sa malasakit para sa isa't isa
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Pag-asa ay nagbubuo dahil sa’yo, oh Pilipino
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Salamat sa malasakit para sa isa't isa
D-Z-M-M Radyo Patrol Sais Trenta
Pag-asa ay nagbubuo dahil sa’yo, oh Pilipino

No comments:

Post a Comment