Tuesday, May 6, 2014

Martin Nievera nag-sorry sa pag-awit ng Lupang Hinirang

Humingi ng pauman­hin kahapon ang singer na si Martin Nievera sa pub­ liko kaugnay sa pag­kanta niya ng sariling bersiyon ng Lupang Hini­rang sa laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton sa Las Vegas, Nevada noong Linggo na inulan ng batikos.

Ito’y kasunod ng pag­sita sa kanya ng National Historical Institute na may paglabag sa batas ang ginawa niyang pagbabago sa tono at tempo ng pambansang awit.

“Sorry sa mga hindi nagandahan sa pagkan­ta ko at salamat na lang sa mga nagustuhan. Sa si­mula acapela ang kan­ta ko kaya lang sa parte ng may marchingtone, hindi puwede ang acapela kaya magkahalo,” ani Nievera sa isang panayam radyo.

Sinabi din ng actor-singer na nang kunin umano siya ni Pacquiao para umawit sa laban nito ay sinabihan siya ng Pinoy champ na bahala na siyang awitin ang Lupang Hinirang, depende sa istilo niya, kaya ang rendition niya ang narinig sa araw ng laban.

Aminado naman si NHI chairman Ambeth Ocampo na hindi niya napanood o narinig ang pag-awit ni Nievera noong Linggo dahil nasa provincial trip siya at nalaman lamang niya sa mga nagkuwentong na­ka­panood.

Ani Ocampo, kahit umano ilang beses na pi­naalalahanan ang ilang artists, patuloy pa rin umano sa pagbabago ng tono ang mga ito sa pambansang awit.

Dapat daw may marching tones ang pag-awit at 2/4 ang beat at 53 seconds base sa orihinal na composition at rendition ni Julian Felipe.

Kapag ito ay narinig, tumayo ng matuwid, humarap sa watawat at ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib habang inaawit.

Ito ay pwedeng kantahin sa mga pandaigdigang kumpetisyon na host ang Pilipinas o may kinatawan ang ating bansa; sa signing on at signing off ng mga himpilan ng radyo at telebisyon; bago ang pagbubukas at pagkatapos ng pagsasara ng oras ng trabaho ng mga emplyeado; at sa una at huling screening ng pelikula sa mga sinehan at bago simulan ang mga pagtatanghal sa teatro; Ibinigay, na ang mga may-ari at pamamahala ng mga establisimyento ay dapat na utusan upang ipatupad ang tamang pakikitungo at ipatupad ang mga may kinalaman sa batas na ito; At iba pang okasyon na maaaring pahintulutan ng Surian.

Ang Panatang Makabayan ay dapat bigkasin pagkatapos ng pagkanta ng pambansang awit sa mga paaralan. Ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas ay maaaring kabisado din, bagaman ang batas ay hindi tumutukoy kung sino ang kinakailangan upang gawin ito.

Ang sinong may karampatang parusa sa mga lumabag nito na babastusin, babaguhin o iibahin ang tono, gagawing katatawanan o hindi magbibigay galang kapag tinutugtog ang ating pambansang awit ay mahaharap sa kasong kriminal o administratibo at dapat na magmulta ng 5,000 to 20,000 pesos o isang taong pagkakakulong. Pero balak pagtaasan ng Kongreso ang parusa rito, at gawing 100,000 pesos o dalawang taong pagkakakulong.

Ang pagpapahintulot sa mga security personnel at sa mga usher sa sinehan na hulihin ang sinumang lalabag. Maari silang humingi ng tulong sa mga awtoridad sa pag-aresto sa lalabag.

Mukahin ng UP College of Music, sana raw ang National Historical Institute ang orihinal na bersyon at masusing ituro ito ng mga mangaawit na hindi na muli pagmulan pa ng kontrobersya.

Sa Section 20, nakasaad na “The rendition of the flag ceremony in official or civic gatherings shall be simple and dignified and shall include the playing or singing of the anthem in its original Filipino lyrics and march tempo.”

Si Martin ay mabagal sa una at masyadong bumirit sa pagtatapos na isa umanong paglabag sa Section 37 ng Republic Act No. 8491, o 1998 Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Handa namang patawarin ng NHI si Nievera at paguusapan na lamanguma­no ang isyu. (Ludy Bermudo)

http://www.philstar.com/bansa/464347/martin-nievera-nag-sorry-sa-pag-awit-ng-lupang-hinirang

No comments:

Post a Comment