A Grade 1 Lesson
16 September, 2007- in one boxing match Christian Bautista sang our National Anthem "Lupang Hinirang". Many were just singing it from the heart when incidentally, he skipped a few lines of the song. Bautista admittedly said he was ashamed of what happened, and he was even saddened this happened, but he also apologized and said that it was never his intention to make fun of the National Anthem. He said he was carried away by fear and tension, because of the multitudes watching him and the fight. Because of this, he was harshly judged by some, but after saying sorry, he was forgiven.
Last Sunday, Martin Nievera had the same mistake of singing the National Anthem, although it was not the lyrics, it was the tempo, and the way he sang it. Lupang Hinirang
Let's get back to the basics...
At dahil Pilipino ako, ito ay isusulat ko sa wikang Filipino.
Lupang Hinirang – Ito ang pambansang awit ng Pilipinas. Ang musika nito ay binuo noong 1898 ni Julian Felipe sa wikang Kastila kung saan ang titik nito ay mula sa tulang Filipinas, na isinulat ng isang manunulat-kawal na si Jose Palma noong 1899.
Ang orihinal nito ay tinugtog at sabayang inawit para sa proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Sa panahon ng pananakop ng Amerika, pinagbawalan itong awitin o tugtugin kasama ang pagkapasa ng Flag Law. Ang batas na iyon ay binago noong 1919 at ang awitin ay isinalin sa wikang Ingles at naaayon sa batas na tinawag itong “Philippine Hymn”. Ito ay isinalin sa Filipino simula noong 1940. Ang paggamit nito bilang ating Pambansang Awit ay napapaloob sa Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines ng 1998. Ang pambansang awit na ito ay mas kilala natin sa ngalang Bayang Magiliw o "Beloved Country", ngunit ito ay pinamagatang Lupang Hinirang.
Lupang Hinirang - "Chosen Land" (Pls. click to listen to correct singing of "Lupang Hinirang" as recommended by the NHI, sung by no less than Lea Salonga.
Sa kahulihan, noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay, pinagtulungang isalin sa Filipino nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos, at Francisco Caballo. Sa Mayo 26, 1956, unang inawit ang pambansang awit, ang Lupang Hinirang. May mga kaunti pang pagbabago sa liriko na ginawa noong 1962 at ito ay ang bersyong ginagamit sa kasalukuyan.
Kasaysayan ng Lupang Hinirang
Isang bersyon ng Lupang Hinirang ay ginamit ni Felipe Padilla de Leon bilang inspirasyon niya sa Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas, na pinagawa ng gobyerno noong panahon ng Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Lupang Hinirang ay hindi ang unang pambansang awit na ginawa. Isang kompositor, si Julio Nakpil, ay bumuo ng awit na pinamagatan niyang Marangal na Dalit ng Katagalugan (Honorable Hymn of Katagalugan), na siyang naging pambansang awit ng Katipunan, isang organisasyon laban sa mga Kastila. Ito ang kanilang naging pambansang awit dahil si Andres Bonifacio, ang naglunsad ng Katipunan, ang bumuo ng organisasyon bilang makarebolusyong grupo at tinawag nila itong Republika ng Katagalugan (Tagalog Republic). Ang Katipunan o Republika ng Katagalugan ay sinundan ng Republica Filipina ni Aguinaldo. Sa kalaunan, naging Himno Nacional ang pangalan nito ngunit hindi tinanggap ni Aguinaldo sa dahilang hindi na naipaliwanag ng mga dalubhasa.
Paggamit at Regulasyon
Ayon sa Article XVI, Section 2 ng kasalukuyang Saligang Batas:
"The Congress may, by law, adopt a new name for the country, a national anthem, or a national seal, which shall be truly reflective and symbolic of the ideals, history, and traditions of the people. Such law shall take effect only upon its ratification by the people in a national referendum."
Sa kasalukuyan, ang 1998 Republic Act 8491 o the Flag and Heraldic Code of the Philippines ang siyang nagpapatupad ng mga alituntunin sa paggamit ng Lupang Hinirang. Ang R.A. 8491 ay nagsasabing: Lupang Hinirang "shall be in accordance with the musical arrangement and composition of Julian Felipe."
Dagdag din ng R.A. 8491 na ang Lupang Hinirang ay dapat awitin sa ating pambansang wika, mapasa-ibang bansa man ito o dito sa Pilipinas.
Ang Pambansang Awit ay tinutugtog at inaawit tuwing may mga pampublikong pagtitipon ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa. Ayon sa R.A. 8491, naaayon sa alituntunin ng National Historical Commission of the Philippines ang paggamit ng awiting ito. Pinagbabawal ng R.A. 8491 ang pag-awit nito bilang isang “recreation, amusement, o entertainment” maliban sa sumusunod:
1. Sa mga International competitions kung saan ang Pilipinas ang host o representative;
2. Mga lokal na kumpetisyon;
3. Tuwing "signing off" at "signing on" ng mga radio broadcasting at television stations; at
4. Bago ang pag-umpisa ng mga pelikula sa sinehan at iba pang mga theater performances. Ibinigay, na ang mga may-ari at pamamahala ng mga establisimyento ay dapat na utusan upang ipatupad ang tamang pakikitungo at ipatupad ang mga may kinalaman sa batas na ito; at iba pang okasyon na maaaring pahintulutan ng NHCP.
Ang Panatang Makabayan ay dapat na bigkasin pagkatapos ng pagkanta ng pambansang awit sa mga opisina at paaralan. Ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas ay maaaring kabisado din, bagaman ang batas ay hindi tumutukoy kung sino ang kinakailangan upang gawin ito.
Ang sinuman na babastusin o gagawing katatawanan ang pambansang awit ay mahaharap sa kasong criminal o administratibo o dapat na magmulta ng 5,000 to 20,000 pesos o isang taong pagkakakulong.
Ang pangangailangan na pagtayo tuwing National Anthem sa isang public gathering tulad ng sinehan. Ang mga manonood na hindi tatayo tuwing national anthem ay maaaring hulihin sa pamamagitan ng citizens arrest ng security personnel at ushers.
Subalit ito’y mariing itinanggi ng mga mang-aawit. Tama lang daw ang kaniyang pagkaka-awit.

Kung gayon, papaano nga ba aawitin ang Lupang Hinirang?
Hindi naman siguro mahirap sagutin ang tanong na ito na kahit isang musmos na bata sa kindergarten ay alam kung papaano ito aawitin.
At papaano nga ba? Titindig dapat ng matuwid, iiwanan o ititigil panandali ang ginagawa, ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, titingin sa watawat, sabay buka ng bibig habang sinasabayan ang kumpas ni titser at pag-awit ng “Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan. Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay. Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting. Sa manlulupig, di ka pasisiil”.
Hindi naman pala mahirap awitin kung saan kahit isang paslit na bata ay makaka-awit nito ng buong ningning. You don’t need to be a concert king or a balladeer to sing it, and sing it well. Ang kailangan lamang pala ay taglay ang dalisay na puso at malinis na pakay kapag aawit nito, tulad ng isang bata, at hindi upang ipagmalaki sa buong mundo na tayo ay magaling na mang-aawit. Ito ang tamang pag-awit ng Lupang Hinirang.
Malapit-lapit na ang pagdiriwang ng ating Kalayaan at ito’y sa June 12. Nawa’y sa pag-awit natin ng Lupang Hinirang bilang pagpupugay sa nakamit na kasarinlan, tiyaking tama ang lyrics ng ating awit at nasa tamang tono at bilis.
Ang isang Pilipino, na magkakamaling suwayin ang batas ayon sa R.A. 8491 ay maaaring patawan ng parusang administratibo, maliban sa parusang pinapataw ng Saligang Batas ng Pilipinas. Ang babalang ito ay para sa lahat ng mga Pilipino, pribado at pampublikong mga paaralan, at mga unibersidad.
Ngayong alam mo na ang pinagmulan ng ating Pambansang Awit, subukan mong awitin ito at damhin nang may puso ang iyong inaawit. Alalahanin mong marami ang naging karanasan ng Pilipinas upang makamtan ang kalayaan nito, at parte ng kalayaang ito ang pag-awit ng ating Pambansang Awit. Tumayo tayo ng matuwid bilang paggalang sa awiting ito, ilagay ang kanang kamay sa dibdib at isapuso ang titik ng pinaka-mahalagang awitin sa buong Pilipinas, ang Lupang Hinirang.
Hindi man tama ang pagkanta ni Martin Nievera ng awiting ito, naiintindihan ko siya na mula sa puso ang pag-awit niyang iyon, pero wala siyang karapatang baguhin ang anuman ang nakasaad sa batas kung saan naaayon doon ang tuntunin paano awitin ang ating pambansang awit. Tama nga, nga kung ang simpleng batas lamang na ito ay hindi na natin masunod, ano pa kaya ang mga mas mahahalagang batas ng bansa.
Ang ayaw ko lang kay Martin Nievera, he made it very clear in his statement: "I don't want to say sorry for something I was not sorry for."
No comments:
Post a Comment