Q: Maaari po bang malaman kung ano ang inyong pangunahin na tututukan sa pagbabalik ng session sa Senado?
SP Sotto: Siguradong yung mga naka-pending na period of amendments like yung Public Services Act at saka yung Foreign Investments Act, tapos yung mga naka-pending na bicam report. May mga ilan na kailangan iratify ng bicam. Yun siguro, and then of course, we expect the budget to be reported out by Sen. Angara, the chairman of the Committee on Finance. Ang mangyayari doon, malamang magtatawag kami ng caucus either Monday or Tuesday para lang mapagusapan yung agenda sapagkat bilang na bilang yung linggo hangang December 16. So, kailangan linawin naming mabuti yung mga scheduling ng mga interpellations ng budget at saka ng passage niya.
Q: So, kapag naisponsoran na ni Sen. Angara yung proposed 2022 budget sa plenary, magkakaroon po ba ulit nung nakasanayan na na marathon hearing, yung Monday afternoon? Talagang budget lang po ang inyong tututukan?
SP Sotto: Oo, magiging Monday to Thursday yun, baka kung kakailanganing Friday, pati Friday, pero morning and afternoon. Yan ang mangyayari doon, usually. So, medyo gipit ito, dapat ay naguumpisa na kami ng interpellations nung first week pa lang. Bali delayed ng isang linggo, kasi yun yung napagkasunduang schedule, after ng SONA, nung aming mga leaders sa majority. So, expected ko, Monday to Thursday, siguradong morning and afternoon, ewan ko yung Friday kung papayag yung iba or kakailanganin. Iba yung papayag at saka kakailanganin eh.
Q: So, papakiusapan ninyo yung ibang tumatakbo na, busy na pag-iikot na Thursday at Friday, hangga't maaari, eh wala muna na pag-iikot sa iba't-ibang lugar?
SP Sotto: Bahala sila kung ayaw nilang pumasok, problema nila yun. Hindi ko pakikialaman yung pag-iikot nila sapagkat hindi pa naman campaign period eh. Meron naman tayong campaign period na tinatawag, which is February 6. After February 6, campaign period na yun, naka break na kami noon hanggang sa after elections, so bakit kailangan ngayon umikot? Ngayon, kung gusto mong umikot ngayon, okay lang, may mga imbita-imbitasyon din naman kami. Kaya lang, basta hindi makakasagabal sa trabaho mo. Trabaho muna ang mahalaga. Sa bagay, okay lang yun, para nakikita ng mga kababayan natin kung sino ang nagtatrabaho at hindi. The best na kampanya is magtrabaho ka.
Q: Ito na po yung last budget under the Duterte administration, at sakali pong pagpalain kayo ni Sen. Ping Lacson sa 2022 election, kayo na po ang magpapatupad ng mga programa at project under the 2022 budget doon sa second half of the year. So, dahil po dito, Titiyakin ninyo na itong proposed 2022 budget, eh talagang tama yung mga programa at proyekto na paglalaanan ng pondo?
SP Sotto: Correct. Dapat yung recovery program madiin, pagkatapos yung tamang pag-gamit at pag-gastos para hindi nagkakaroon ng mga unused, at para hindi rin nagkakaroon ng mga mapapagbintangan na maling gamit, maling pag-gamit, di ba? Kailangan talaga yun, lalo na kung... pero talaga kung sino man yung umupo sa second half ng 2022, kung ano yung mga napasa namin, yun na yun eh, walang magagawa yun. Ang susi ngayon diyan, ay yung budget sa 2023, kung sino man yung mananalo sa 2022, hopefully, kami ni Sen. Lacson yun, eh pagdating sa budget, at saka si Sen. Lacson ang may hawak, yung National Expenditure Program, makakaasa yung mga kababayan natin na manggagaling sa baba ang pangangailangan, hindi nasa taas pagkatapos, (unclear) yung mga kababayan natin, pati yung mga local government (unclear), lalong hindi magiging ganoon. Siguradong ayun na, yung budget reform advocacy niya, ay manggagaling sa baba. Ang tanong, sa barangay, ano ang kailangan ninyo? Yun ang ilalagay natin sa National Expenditure Program. Ganoon, bottom up. Galing sa baba. Galing sa zero. Hindi yung (unclear) style nung nakaraan na ilang presidente na yan, yung style, ewan ko kung bakit ganoon yung mga economic managers nila. Mahirap magbintang, pero bibigyan ka ng ceiling, pagkatapos yan ha? Magsubmit kayo ng mga project ninyo, heto ceiling ninyo, ganyan. Hindi effective eh. Ang nangyayari pareho ngayon, maraming mga local officials ngayon, hindi mo ba napapansin, maraming tahimik? Hindi sila nagdedeklara kung kanino sila? Eh paano, hinihintay nila yung NEFLR eh. Yung for later release. Hinihintay nila yung budget nila.
Q: Maraming inipit na mga budget.
SP Sotto: Yun na nga, kasi nga yung policy of mendicancy na nakabaon na sa atin ng Napakatagal nang panahon. Dapat alisin yun, tigilan na yung Imperial Manila na yan. Tigilan na yung national government lang ang nakakaalam at may hawak ng pondo. Kailangan nasa mga kababayan natin. Ganoon yung makikita. Gusto namin sana, sa 2022 budget, ganoon na.
Q: Sa 2023? O sa 2022?
SP Sotto: Hindi, sa 2022 pa lang. Kung ano yung pwedeng gawin na kaagad para yung economic recovery natin, di ba, maayos at tama yung magiging paggamit nila.
Q: So, doon sa tinatawag na bottom-up, mula sa baba, dito, matitiyak natin uunlad na yung mga nasa countryside? Yung mga dating napapabayaan, yung mga poorest of the poor, yung mga... hindi na mapapabayaan, mabibigyan sila ng budget sa pangangailangan nila para umunlad ang komunidad nila?
SP Sotto: Correct, at saka naka diretso na sa kanila yung budget, hindi nag (unclear) doon sa mga nakaupo sa Malacañang.
Q: Maiba naman ako. Kung sakaling manalo kayo, isa sa mga tututukan ninyo, itong laban kontra illegal na droga. Isa sa mga senatoriables, si Raffy Tulfo, ang sabi niya, itong war on drugs ng administration is a failure. Ano ang masasabi ninyo doon?
SP Sotto: Well, failure in prevention and rehabilitation siguro, pero pagdating sa enforcement, maraming gains na nagawa yung administrasyon ni President Duterte pagdating sa enforcement. Sa prosecution there is much to be desired siguro dahil marami pa ring dismissed cases eh. Pero kasi, it has to have a wholistic approach. Alam mo, nung huli kaming magusap ni President Duterte, sinabi ko sa kanya. Sabi ko, kung ako papalain na maupo diyan, ako, di ko kailangan bigyan ng trabaho, pag vice-president ka, alam mo ang gagawin, marami kang magagawa. Hindi mo kailangan ang bigyan ka ng trabaho. For example, yung issue ng illegal drugs and drug abuse, concentratan mo yung drug abuse, which is prevention and rehabilitation. Siguro, kaya siguro nakapagsalita si Raffy ng ganoon, kasi ineexpect niya na dapat nga kailangan wholistic yung approach katulad nung sinasabi ko. I was successful in Quezon City eh. So, kung successful ako sa Quezon City, I can do it nationwide. Hindi ka pwedeng magyabang na ganito ang gagawin mo, ganito, ganyan-ganyan, tapos duon sa city mo, hindi mo magawa, di ba? Hindi mo magawa sa maliit, paano mo gagawin nationwide, di ba?
Q: Kabilang sa mga pinakamainit na balita ngayon ay yung paglabas ninyo ng warrant of arrest kay Christopher Lao. Ano po ang latest dito?
SP Sotto: Ministerial sa akin yun as Senate President. Merong request ng any committee on any let's say subpoena or subpoena duces tecum, or contempt charge, therefore automatically may warrant of arrest kung merong request ang committee. Kung walang nag-oobject, kailangan pipirmahan ng Presidente yun.
Q: Ano po ang balita, nasa bansa pa ba itong si Lao o nakalabas na?
SP Sotto: Hindi ko alam eh, pero wala akong balita so far. Bahala na muna yung OSAA, meron naman silang mga strategy. Eh kasi nagkamali kami kay Dargani eh. Dapat, bago nag motion for contempt, dapat nadeploy na. Alam naman namin kung nasaan sila noon, eh biglang nawala.
Q: Eh dito kay Lao, ilang araw nang hindi nag-aattend ho ng hearing so hindi natin alam kung nasaan na rin ito.
SP Sotto: Oo, eh meron talagang mga ganoon, mga bina-balewala ang Constitution eh, yun ang batas ng Pilipinas eh. Congress is an equal branch of government. Siguro bina-balewala nila.
Q: Dito sa pagbaba na ng Covid cases, latest kahapon, 2,000, isinailalim daw ho agad sa Alert Level 2 yung NCR. Kumporme po ba kayo na immediately ibinaba na tayo, talagang pwede na, or dapat maghintay-hinay muna?
SP Sotto: Basta, panalangin ko, magtuloy na sana yung pagbaba or ma-maintain na sa below 1,000, 1,000 or below. Yung whether kumporme ako or hindi, wala namang sinunod ang IATF sa mga rekomendasyon namin eh. Noon pa, sinasabi ko na, yung face shield walang pakinabang yan, tayo lang ang gumagamit sa buong mundo, ipinilit nila. Pagkatapos malalaman namin na napakaraming binili nila Lao, di ba? Doon sa PS-DBM. Kaya kung tatanungin ako tungkol sa mga diskarte ngayon nila, eh diskarte nila yun, bahala sila, hindi naman kami pinakikinggan eh.
Q: Kagaya nito, akala ko nagkaroon ng commitment doon sa inyong panawagan na parang dagdag gastos lang at tayo lang ang gumagamit ng face shield, pero hindi rin naman napagbigyan ano po?
SP Sotto: Wala, oo. Tapos ngayon, biglang naisip na nila, baka nauubos na kasi yung nabili.
Q: Yung gawin ng mandatory itong vaccination, mismong Department of Health ang nagsabing kinoconsider nila na gawing mandatory, uubra po ba yun?
SP Sotto: Last time I heard we are still a democracy. Kung ayaw ng kababayan natin. Ako, payag ako sa akin, eh nagpa immunization ako, di ba? Nagpa vaccine ako. Meron tayong mga kababayan na ayaw, bakit mo pipilitin? Parang... hindi... sa America nga, ganoon, all parts of the world, I don't know if there is a country that says mandatory.
Q: So, pwede po ba yun, pag sabihing mandatory... kinakailangan ng legislation?
SP Sotto: Hindi ko masabi, hindi ko kasi gustong pagusapan yan. Anyway, siguro, ang tanong, o, mandatory ano ang gagawin ninyo kung ayaw? Ipasagot natin yan sa hearing namin, ano ang gagawin ninyo pag ayaw, ikukulong ninyo? Eh punong-puno nga yung Bilibid eh. Punong-puno nga yung BJMP, ano ang gagawin ninyo ngayon? I-etsa-pwera ninyo sila? Hindi sila pwedeng pumasok sa ganito, hindi sila pwede sa ganyan, hindi pwedeng ganoon, gagawin ninyo? Oh, di wala na yung civil rights natin, freedom of whatever.
Q: So, pwedeng ma-question yun just in case?
SP Sotto: Sigurado, siguradong maku-kwestiyon yun. Pinaka magandang diskarte, information-dissemination.
Q: To convince?
SP Sotto: To convince, hindi ba? Ang daming pamamaraan na pwede. Sina Sen. Villar nga, ang daming pakulo sa Las Piñas, ang daming nagpapa-vaccine. Hindi ba? Strategy yan. Ang Quezon City, wala ring problema eh. Magaling sila Mayor Belmonte eh. Ang daming nagpapa-vaccine, wala namang problema, wala namang umaangal doon sa may ayaw, pero maganda ang information-dissemination drive.
Q: Kayo po, yung swab test at antigen, wala bang plano na dapat ito, ibigay na ng libre?
SP Sotto: Dapat talaga yun, libre. Dapat yung inubos na pera doon sa kung kanino-kaninong kumpaniya ng China, dapat doon din binuhos, diyan sa PCR, swab, antigen, ganoon, kaya libre dapat yan. Isang kababayan natin, kinakabahan, uubo-ubo, punta kaagad sa barangay, icheck, di ba? Libre dapat. Kaya ayaw nung iba, P3,000 eh. Pinaka mura na yung kina Janette Garin, P1,000, P1,500 ba yun?
Q: Hindi syempre gagastos ang tao, lalo na sa panahon ngayon.
SP Sotto: Oo, isipin mo yun, tatlong libo? Aba, ang bigat noon. Yung limang daan, ang bigat sa kababayan natin, tatlong libo pa?
Q: Yung makukuha mo in one hour, bente-mil?
SP Sotto: Ang alam ko, P8,500, pupuntahan ka sa bahay mo tapos within 12 hours, malalaman mo, yun ang alam kong... meron pa palang ganyan, hindi ko narinig yan.
Q: Pinatigil nga yun. In fairness naman, narinig ko na pinatigil ng IATF. Katabi lang ng airport, doon sila nag ooperate eh.
SP Sotto: Baka hindi nga accurate yun.
Q: Kaya pinatigil kasi nag reklamo yung mga OFW, mga umaalis na pasahero na napaka mahal.
Q: Ngayon po ay November 6, so ilang araw na lang, ilang linggo na lang, deadline na for substitution. Kayo ba, may nakikita pa na magiging pagbabago dito sa mga maglalaban-laban sa 2022 elections pagsapit ng November 15?
SP Sotto: Siguro. Baka marami pa yan, kaya pag may mga nagtatanong sa akin, ini-interview ako, alam mo naman marami tayong kaibigan na gusto tayong interviewhin, nandiyan si Karen Davila, nandiyan si Cheryl Cosim, nandiyan si Pinky Webb, lahat sinasabi ko, tutal mga kaibigan ko naman yang mga ama nila, sinasabi ko na ano eh, after November 15 pag tinanong ninyo ako tungkol sa pulitika, alam na natin kung sino-sino yung tumatakbo, kung sino yung ano, di ba? Sa ngayon kasi, pag pinagusapan ang pulitika, walang kasiguraduhan eh. Mula nung July hanggang ngayon, kami lang ni Sen. Lacson ang may kasiguraduhan eh. Kami lang yung desidido, kami rin yung nagsabi nang maaga eh. At kami rin yung nakahanda eh. Yung iba, hinihintay pa natin, mga placeholder eh.
Q: Pwede pang magkaroon ng substitution.
SP Sotto: Oo, mahirap magpa interview tungkol sa pulitika.
Q: So hindi pa ninyo masasabi sa amin yung possible surprise senatorial candidate under your slate?
SP Sotto: After November 13.
Q: 13?
SP Sotto: Eh November 13 siya pwede eh. Nadulas ako.
Q: November 13 pa siya magre-retire sa kanyang position?
SP Sotto: I refuse to answer.
Q: Hypothetical question po. Kung tutuloy si Mayor Inday Sara sa pagka bise-presidente, ano ang magiging plano ninyo, tutuloy pa rin ba kayo? Sabi nila perfect tandem yung Bongbong Marcos at Sara Duterte.
SP Sotto: Hindi namin iniintindi kasi. Sabi ko nga, July pa nung mag desisyon kami ni Sen. Lacson, di ba, umikot muna kami ng ilang... sa mga local officials. Mula noon, we don't really care who else is running. Basta kami, nag meet kami sa taong bayan, ang programa namin eto, eto pinaka tingin naming pinaka pag-asang magiging takbo ng bansa natin, kaming dalawa. Hindi namin iniintindi kung sino ang tumatakbo, kahit magpalitan pa sila, basta yung programa namin ang importante sa amin, at kami, ino-offer na min sa tao. Pag ayaw ng mga kababayan natin, eh pasensiya, di ba? Pwede naman kaming mag retire eh. Pag nagustuhan, ay, makaka-asa sila na siguradong-sigurado trabaho nito dahil ito pa lang ito maaga pa lang, desidido na. Hindi ito, ika nga, nanghuhula or nangangapa eh. So, it does not matter. It does not matter kung sino yung tumatakbong presidente, sinong tumatakbong bise-presidente, does not matter to us. We will keep on campaigning, and we will keep on ika nga eh telling the people what we stand for, what we have done, and what they can look forward to, ganoon.
Q: Sa mga survey, consistent na kayo ang nangunguna sa mga vice-presidentiable. Malaking challenge po ba yun kung paano ninyo ireretain hanggang sa araw ng elections?
SP Sotto: Iba-iba naman yung mga survey eh. Syempre, pagka meron kang percentages na nakukuha, and then we Always try to use the survey as a guide. Pinaka importante kasi, maraming kung anu-anong survey na lumilitaw eh. With due respect to some of them, I don't know how they do it eh. Ang alam ko lang, Pulse Asia at SWS eh, at saka yung kina Junie Laylo, yun lang ang alam kong patterned, alam ko kung paano ginagawa, alam ko rin kung paano ine-eksplika yung mga surveys nila, paano nila kinukuha. So, doon ako nagbe-base. Yung nakikita kong survey nila, yun ang ginagamit naming guide. Yung mga survey na internet, meron sa isang grupo, mga ganoon, actually, di ko na binabasa eh.
Q: Nabanggit na ni Sen. Panfilo Lacson last week na pagdating sa inyong senatorial candidate, parang magkakaroon kayo ng purging, parang iwa-one-on-one ninyo, dahil hindi uubrang more than twelve ang inyong kandidato. So, parang ang inyong pipillin at ireretain ay yung susuportahan lang ay yung Lacson-Sotto tandem.
SP Sotto: Oo, may plano kaming ganoon, kakausapin namin sila at pag talagang nakarinig tayo ng alam natin na ang endorsement nila or talagang gusto nila, ay pareho ng programa namin, eh yun yung talagang ipupursige natin. Katulad ni, kahapon, sa Cavite, si Raffy, di ba? Dineklara niya na si Sen. Lacson ang presidential candidate niya.
Q: So, pasok na siya.
SP Sotto: Oo, pagka ganoon, oo.
Q: So ngayon, gagawin pa po ba yung pakikipag one-on-one ninyo sa mga nasa listahan ninyo?
SP Sotto: Malamang. Baka unahin ko muna yung aming anim na NPC. (Unclear), NPC, anim eh. So, upo muna kami, tapos yung aming mga leadership din ng NPC, plano namin, after November 15 uupo na kami at paguusapan din namin yan kasi napakalawak namin, ang hirap kontakin eh, 1,800 ang mga miyembro, 1,834 ang huli kong count ang miyembro ng NPC, na incumbent officials, ha? Hindi mga member lang. Yung mga member, nasa libo rin yun, pero hindi incumbent. Ang incumbent, 1,800. Fifty-four congressmen, daan-daan na mga mayor, daan-daan ang vice-mayor, mga konsehal, walong governor, tatlong senador, mabigat ang consultation eh, pero kailangan unified as much as possible, so, we will find out very soon.
Q: Kapag nag start na young kampanya sa February, is there a need na mag leave po kayo bilang Senate President o wala naman pong ganoong pangangailangan?
SP Sotto: Hindi siguro. Baka mahirap pa nga pag bigla kaming magkaroon ng pagpapalitan sapagkat medyo madidistrungka yung mga opisina. Pagka mangyari yun, malamang magpapalitan din ng committee, di ba? So, palagay ko, kung saka-sakali lang... di naman makakaabala kasi ano na, tried and tested naman ako as a Senate President nila. So, kahit na naka break kami, sa February 6 naka break kami, kahit itong mga naka break na ito, eh pumapasok din ako, di ba? Eh nakakapagtaka naman siguro kung biglang maisipan namin na eh kasi tumatakbo ito, palitan natin, ano? Yun bang ipapalit natin, papasok din? Eh nakabakasyon din. Kaya lang hindi mapapabayaan yung mga papeles doon, mabigat eh. Bawat opisina ng mga senador, ako ang pumipirma eh. Yung mga opisina nung iba't-ibang departamento, ako din ang pumipirma eh. So, hindi pwedeng pabayaan.
Q: At kaya ninyo yun, kahit na kampanya, yung ganoong obligasyon magagampanan ninyo kahit magkakampanya kayo.
SP Sotto: Oo, 23 years ko nang experience, malapit nang mag 24 years, ang experience ko sa Senado eh. Ang pinagdaanan ko, siyam na Senate Presidents. Nakita ko yung the best and the brightest, nakita ko rin yung may mga mali. Kaya alam ko kung ano dapat ang sundin ko.
Q: Wala naman kayong naririnig na nag a-attempt na papalitan?
SP Sotto: Wala naman, awa ng Diyos, wala naman akong naririnig. Kung meron man, magsasabi naman kaagad sa akin yung mga yun. Magkakaibigan naman kami, wala naman kaming... ni isa sa twenty-three senators, ano, wala akong ni-isa na alam na magtatago sa akin kung may galit or naiinis eh. Naguusap-usap naman kami Nung minsan ngang nagkasagutan kami ni Sen. Villar, nung gabi, magkausap kami sa telepono. Di ba na-Youtube nung minsan yun? Wala, ganoon lang yun, masyadong mahaba na yung experience ko diyan. You have to master not only the rules and parliamentary procedures, but you have to master the art of compromise. Experience ang dala-dala natin, kaya malakas ang loob namin ni Sen. Lacson i-offer yung sarili namin sa mga kababayan natin, kasi alam namin, hindi kami mapapahiya pagka pinagtiwalaan nila kami.
http://legacy.senate.gov.ph/press_release/2021/1106_sotto1.asp
No comments:
Post a Comment