Wednesday, April 7, 2021

Health workers sa pribadong ospital sa Butuan, sumailalim na sa 2nd dose ng COVID vaccine

Nagsimula ang pagtuturok ng second dose ng COVID-19 vaccine sa 270 na mga health care worker ng Manuel J. Santos hospital sa Butuan City nitong Martes ng umaga.


Marso 9 nang mabakunahan sila ng unang dose ng Sinovac vaccine.


Ayon sa mga health care workers wala naman silang masamang naramdaman matapos ang unang dose kaya’t nagpapasalamat sila dahil kumpleto na ang kanilang bakuna matapos ang second dose.


Importante umano ang makamit nila ang full vaccination upang makuha ng isang indibidwal ang full efficacy at proteksyon laban sa COVID-19.


Samantala, ipinatupad naman ang QR Code sa ospital kung saan paperless na ang proseso at mas mabilis ang isinagawang vaccination program ng ospital.


Magpapatuloy naman sa Miyerkoles ang pagbibigay ng bakuna sa iba pang mga health care workers.--Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan


https://news.abs-cbn.com/news/04/07/21/health-workers-sa-pribadong-ospital-sa-butuan-sumailalim-na-sa-2nd-dose-ng-covid-vaccine

No comments:

Post a Comment