Wednesday, April 28, 2021

820 arestado sa 'anti-crime drive' sa Region 3 sa loob ng 1 linggo

Umabot sa mahigit 800 ang naaresto sa patuloy na kampanya ng pulisya laban sa mga lumalabag sa mga special law and health protocols para maiwasan ang COVID-19.


Sa inilunsad na anti-crime drive ng Police Regional Office 3 mula April 19 to April 25, umabot sa 820 na mga lumabag sa batas ang inaresto kasama na ang mga wanted personalities.


Umabot sa 177 ang hinuli dahil sa ilegal na sugal, 192 ang sangkot sa ilegal na droga, 134 ang may mga standing warrants of arrest at 317 ang hinuli sa implementasyon ng search warrants at paglabag sa local ordinances at iba pang special laws.


Umabot sa 532 sachets ng shabu na nasa 714.69 grams ang bigat at may street value na P4,835,804 ang nakuha.


Umabot naman sa 64 sachets ang nakumpiskang marijuana na nasa 1763.78 grams ang bigat at nasa P212,145.7 ang street value.


Mayroon ring 36 iba't ibang firearms ang nakuha at papalo naman sa P57,744 ang nakumpiskang pera na itinaya sa mga nahuling ilegal na nagsusugal sa buong gitnang Luzon.


- ulat ni Gracie Rutao


https://news.abs-cbn.com/news/04/28/21/820-arestado-sa-anti-crime-drive-sa-region-3-sa-loob-ng-1-linggo

No comments:

Post a Comment