Sunday, April 18, 2021

4 na stranded sa CamSur-Albay border dahil sa bagyong Bising, positibo sa COVID-19

CAMARINES SUR—Apat ang nagpositibo sa isinagawang COVID-19 antigen swab test sa 280 na driver at pahinante ng mga trak na nakatigil sa Pan-Philippine Highway sa bayan ng Bato, ayon sa Incident Management Team ng probinsiya.


Nasa 13 ang close contact nila na dinala at inoobserbahan na rin sa provincial government-controlled quarantine facility.


Ayon sa IMT-Camarines Sur, pinigil ang mga sasakyan sa Camarines Sur-Albay border para maiwasan ang mahabang pila ng mga sasakyan sa Matnog Port sa Sorsogon ngayong walang biyahe ang mga barko dahil sa Bagyong Bising.


Isinagawa ang swab test para tiyaking walang sakit ang mga driver at pahinante habang naghihintay na muling makabiyahe.


Hiniling na ni Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte maging ng Office of Civil Defense-Bicol (OCD-V) sa PNP-Bicol na paalisin sa lugar ang higit 150 stranded na sasakyang patawid ng Visayas at Mindanao at pabalikin na lang sa pinanggalingan para di na makahawa pa.


Nag-abiso na ang IMT-Camarines Sur sa mga pinapasukang kumpanya ng mga nagpositibo tungkol sa kondisyon ng mga nag-positibo sa swab test. - Mula sa ulat ni Jonathan Magistrado 


https://news.abs-cbn.com/news/04/18/21/4-na-stranded-sa-camsur-albay-border-dahil-sa-bagyong-bising-positibo-sa-covid-19

No comments:

Post a Comment