Sunday, March 21, 2021

Planong paghati ng Palawan, posible pa bang buhayin?

Posible pa bang buhayin ang planong paghahati ng Palawan?


Para kay Vice Governor Victorino Dennis M. Socrates, posible umano ito pero hindi na sa kanilang termno.


“At this point, mag-eleksyon na sa 2022, maaaring may nag-iisip isulong ito sa tingin ko hindi aabot. It will be up to the next set of Provincial officials to try again, the creation of additional provincial government kung gusto nila,” pahayag ni Palawan Vice Governor Victorino Dennis M. Socrates


Nagpahayag naman ng panghihinayang si 1st District Board Member Leoncio N. Ola sa naging resulta ng plebisito. Pagdating aniya sa kasalukuyang termino nila ay maaaring wala na magsusulong na buhayin ang Republic Act 11259.


“Para sa akin, wala na siguro. Assuming na mayroong isang Sangguniang Panlalawigan na mag-file resolusyon na muli naming buhayin, siguro isa ako sa mag-oppose. Sayang yung oras, sayang yung pinaghirapan namin. Ang ibig kong sabihin ay hindi na siguro sa term namin wala na maglakas loob na isang meyembro ng Sangguniang Panlalawigan para mag-file resolusyon para buhayin muli ang 11259.”


Sa panig naman ng One Palawan Movement, kailangan lamang umano ay tanungin ang mga mamamayan, ipaliwanag ng maigi at siguraduhin na kailangan ito ng Palaweño.


“Sa susunod na magbabalak na gawin na naman yan, magdalawang-isip din sila at konsultahin muna ang taong bayan kung yun nga ang kagustuhan ng bayan,”


“Hindi ito tungkol sa mga opisyales o kung sino ang naka-upo. Yung isyu dito sa pangangailangan sa paghahati (kasi) sa sitwasyon ngayon wala talagang pangangailangan sa paghahati. Dahil maraming paraan para solusyunan yung mga problema, yung paglalapit ng serbisyo. Kung sila at may pagbabalak, i-presenta nila kung bakit nangangailangan, matinding pangangailangan,”  ayon kay Cynthia Sumagaysay Del Rosario.


Ipinaliwanag naman ni James Jimenez, Tagapagsalita ng COMELEC National na kung sakaling isulong muli ang paghahati ng Palawan at makapasa sa kongreso ay sa 2023 pa posibleng magsagawa muli ng plebisito.


“Kailangan nilang gumawa kung gusto pa rin nila. Nakadepende yan doon sa mga Congressman na naghahain ng petition so kung talagang gusto nila they can probably do it right away. Pero hindi na yan magkakaroon ng plebisito within the year because mayroong 1 year ban eh. 1 year before National Election hindi ka puwede magpa-plebisito. So if ever they will try that, hindi puwede 1 year after so doon sila sa 2nd year so yun ang time table.”


(Update) In five years time, the palawan plebiscite will happen in March 2025, when the president will approved of the creation of the new province on TBA through Republic Act 10___ or An Act Dividing the Province of Palawan Into Three (3) Provinces, Namely: Palawan del Norte, Palawan Oriental, and Palawan del Sur.


At present, Palawan has 367 barangays with 677,185 registered voters.


Once officially proclaimed winner, the “yes” votes would formally affirm the establishment of Palawan del Norte, Palawan del Sur and Palawan Oriental as the new provinces in the country to be formed out of Palawan.


https://palawandailynews.com/city-news/planong-paghahati-ng-palawan-posible-pa-bang-buhayin/

No comments:

Post a Comment