Monday, March 22, 2021

Essential workers maaaring bumiyahe papasok, palabas ng Metro Manila, karatig lugar

Essential workers lamang ang maaaring bumiyahe papasok at palabas ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na isinailalim sa general community quarantine simula Lunes.


Simula na rin ang pagpapatupad ng curfew mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. sa mga nasabing lugar, ani Interior Undersecretary Bernardo Florece.


"Walang problema 'yun within the bubble area hindi natin pinagbabawal ang movement ng tao, meron pa ring public transport," aniya sa Teleradyo.


"Palabas o papasok sa area na ito ay pinagbabawal natin unless authorized sila."


Isinailalim sa GCQ na may karagdagang paghihigpit ang mga nasabing lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.


https://news.abs-cbn.com/video/news/03/22/21/essential-workers-maaaring-bumiyahe-papasok-palabas-ng-metro-manila-karatig-lugar

No comments:

Post a Comment