Tuesday, January 5, 2021

Bagong franchise para sa ABS-CBN hirit ng ilang senador

Sa unang araw ng pagbubukas ng ilang opisina sa Kongreso ngayong taon, naghain agad si Senate President Vicente Sotto III ng panukala para gawaran ng bagong prangkisa ang ABS-CBN. 


Ayon kay Sotto, dahil sa pagpapalit sa liderato ng Kamara, maaaring magbago na rin ang naunang pasya ng komite sa Kamara na pumatay sa prangkisa ng ABS-CBN.


Napapansin din kasi niya na puro anime ang palabas sa ibang istasyon.


Naghayag na rin ang 13 senador na nais maging co-author ng panukala ni Sotto.


Ang Senate committee on public services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe, sinabing bibigyan aniya ng prayoridad ang pagtalakay sa panukala kapag na-refer na sa kanila ang hakbang.


"Given the crippling effects of the ABS-CBN shutdown and the need for more news outlets with the widest reach during the raging pandemic, the issue will be given utmost priority as soon as it is referred to the committee on public service. However, since the Constitution requires that bills of such nature originate from the House, it will most likely be referred to rules until the House grants the franchise," ani Poe.


Nang malaman ang paghahain ni Sotto, si Deputy Speaker at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ay naghayag din ng kahandaang i-refile ang panukala.


"Yes, I am refiling the bill seeking for the renewal for another 25 years of the ABS-CBN franchise. I filed it the last time and I continue to believe that it is the right thing to do," sabi ni Santos-Recto.


Para naman kay Deputy Speaker at Buhay party-list Rep. Lito Atienza, nararapat lang na ituloy ang pagtalakay ng Kamara sa paggawad ng prangkisa ng ABS-CBN.


Kaya balak niyang kausapin si Speaker Lord Allan Velasco at maghain ng motion for reconsideration upang muling matalakay ang usapin ng prangkisa ng Kapamilya network. – Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News


No comments:

Post a Comment