Tuesday, December 29, 2020

Hospital workers sa Norzagaray, Bulacan hinatiran ng food packs

 Magba-Bagong Taon na pero abala pa rin sa pagseserbisyo ang mga doktor, nurse at iba pang tauhan ng Norzagaray Municipal Hospital sa Bulacan.


Tutok sila sa pagtanggap ng mga bagong pasyente habang ang iba'y binabantayan ang ilang isinugod doon dahil sa COVID-19.


"'Yong iba napapagod na rin pero patuloy ang laban kasi nga kinakailangan ang aming serbisyo sa panahon na ito," ani Joselito Santiago, chief ng Norzagaray Municipal Hospital.


Dahil sa tawag ng tungkulin, maaaring hindi nila makapiling ang kanilang pamilya sa pagsalubong ng Bagong Taon.


"Ginagawa namin ito bilang ito ang sinumpaang tungkulin," ani Santiago.


Kaya para masigurong magiging masaya at masagana pa rin ang pagsalubong sa 2021, dinalhan sila ng ABS-CBN Sagip Kapamilya ng 120 food packs na maiuuwi sa kani-kanilang pamilya.


Bahagi rin ito ng donasyon ng isang kompanya sa ABS-CBN Foundation.


Ibinahagi na lang nila ang kanilang pondo mula sa nakanselang Christmas party para makatulong sa kapwa.


"The employees are all very happy to help," ani SM Supermalls President Steven Tan.


"We couldn't be happier, helping our kababayans... Amidst all our challenges, I think we still have so much to be grateful for," ani Susan Afan, managing director ng ABS-CBN Foundation.


Ayon sa frontliners, ang ipinaramdam sa kanila na suporta at malasakit ay malaking tulong para magpatuloy sila.


"Ito ay magsisilbing inspirasyon para magampanan nila ang kanilang tungkulin," ani Santiago.


Nais pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na donor:


Patuloy na nananawagan ang ABS-CBN para sa pagbabayanihan at pagtulong sa pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyo. -- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/news/12/29/20/hospital-workers-sa-norzagaray-bulacan-hinatiran-ng-food-packs

No comments:

Post a Comment