Wednesday, December 23, 2020

Bilihan ng hamon sa Quiapo, dinagsa

Humahaba pa ang pila ng tao sa isang sikat na tindahan ng hamon sa Quiapo, Maynila, dalawang araw bago mag Pasko.


Alas-4 pa lang ng umaga ay may mga nakapila na sa labas ng tindahan na magbubukas ng 8 a.m.


Sa pagtaya ng pulisya, higit 500 ang nakapila sa labas ng tindhan para bumili ng hamon na pagsasaluhan sa Noche Buena.


Dahil sa dami ng nakapila, nagtungo na sa lugar ang mga pulis para tiyaking nasusunod ang health protocols tulad ng physical distancing.


Ayon sa ilang mamimili, nahirapan sila dahil magulo umano ang sistema sa pila.


Nagbanta na rin ang pulisya na kung ‘di maaayos ang sistema ng pilahan sa tindahan ay maaring ipatigil ang pagtitinda ng hamon lalo na’t inaasahan na dadagsa pa sa mga susunod na araw hanggang sa Enero ang mga taong bibili ng hamon. - TeleRadyo 23 Disyembre 2020


https://news.abs-cbn.com/video/news/12/23/20/bilihan-ng-hamon-sa-quiapo-dinagsa

No comments:

Post a Comment