Wednesday, June 3, 2020

Paglitaw ng logo ng ABS-CBN sa screen, hudyat ng pagbabalik ng Kapamilya network sa ere?


Kung dati ay pitch black ang makikita sa screen kapag inililipat ang channel sa ABS-CBN, ngayon ay ang logo ng Kapamilya network at ang tagline nitong "In the Service of the Filipino" ang makikita sa screen. PHOTO/S: JOJO GABINETE
Kung dati ay pitch black ang makikita sa screen kapag inililipat ang channel sa ABS-CBN, ngayon ay ang logo ng Kapamilya network at ang tagline nitong "In the Service of the Filipino" ang makikita sa screen. PHOTO/S: JOJO GABINETE

Nang ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN noong May 5, 2020, naging pitch black ang screen ng Channel 2.

Ikinalungkot ito ng Kapamilya Network supporters at loyal viewers.

Bukod sa nawala sa ere ang kanilang mga paboritong programa, parang nagluluksa ang viewers ng ABS-CBN dahil sa paniniwala nilang kasabay ng pagpapasara sa network ang pagkamatay ng kalayaan sa pamamahayag.

Pero nabuhayan ng pag-asa ang mga supporter ng Kapamilya Network dahil kahapon, June 2, ang logo ng ABS-CBN at ang slogan nitong "In The Service of the Filipino" ang bumulaga sa kanilang mga paningin, hindi na ang pitch black screen.

Naniniwala at umaasa ang ABS-CBN loyalists na nalalapit na ang pagbabalik sa ere ng kanilang paboritong TV station dahil ginamit nilang pahiwatig ang makulay na logo ng Kapamilya Network sa television screen.

Ngayong umaga, June 3, magpapatuloy ang pagdinig ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Kaya maaga pa lang, trending na sa Twitter ang #OneVoiceForABSCBN dahil hinihikayat ng fans ng iba’t ibang fans club ng Kapamilya stars na panoorin at suportahan ang magaganap na balitaktakan.

Noong May 19, 2020, ipinahayag ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak na posibleng mag-umpisa na ang retrenchment process ng kanilang kompanya dahil sa pagpapasara sa Kapamilya Network.

Nalulugi ang ABS-CBN ng PHP30 million hanggang PHP35 million sa bawat araw na hindi umeere ang mga programa nila.

Bilang suporta sa management, sinabi ng mga lider ng ABS-CBN unions na handa silang magsakripisyo sa pamamagitan ng salary reductions at hindi paniningil ng overtime pay.

Isang insider naman ang nagsabi na noong nakaraang buwan, pumayag na ang mga empleyado ng ABS-CBN na nasa manager, director, at executive level na bawasan ang kanilang mga buwanan na sahod dahil nauunawaan nila ang mabigat na sitwasyon na pinagdaraanan ng kompanya.

No comments:

Post a Comment