Dati-rati, ang mga boses lamang ni Mike Enriquez at ng GMA-7 voice-over announcer na si Al Torres ang naririnig natin na nagsasabi ng "Maraming salamat, Kapuso."
Pero ngayong Miyerkoles, May 6, ang ABS-CBN ang nagsabi ng “Maraming salamat, Kapuso."
Ito ay bilang pasasalamat sa Kapuso personalities na nagpahayag ng suporta at simpatiya sa matinding pagsubok na pinagdaraanan ng Kapamilya Network.
Ipinasara ng National Telecommunications Commission ang ABS-CBN kahapon, May 5.
Sina Lovi Poe, Gabbi Garcia, Maine Mendoza, Bea Binene, Kara David, Janine Gutierrez, at Julie Anne San Jose ang ilan sa mga Kapuso personalities na pinasalamatan ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng isang news article, dahil sa kanilang mga social media post na pagpapakita ng suporta at pakikiisa.
Bahagi ng artikulo na inilabas ng ABS-CBN News na may headline na "Kapuso celebs send red, green, blue hearts in solidarity with ABS-CBN":
"As the Kapamilya network signed off Tuesday in compliance with cease and desist order from the National Telecommunications Commission, personalities from rival station GMA-7, too, were among those who expressed support for ABS-CBN's continued service.
"The show of solidarity ranged from calling out the attack on press freedom, to messages of hope that ABS-CBN will overcome the challenge — most of them with heart emojis in red, green, and blue, symbolizing the network."
Ipinaabot din ng ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio ang pasasalamat sa lahat, gamit ang kanyang Instagram account.
"Maraming-maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta. Hanggang sa muli," mensahe ni Charo, na may hashtag na #InTheServiceOfTheFilipino.
https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/151263/abs-cbn-thanks-kapuso-a734-20200506
No comments:
Post a Comment